Chapter XLI

4.9K 1K 74
                                    

Chapter XLI: Just Getting Started

Kagaya ng nakasanayan, binigyan ni Finn ng pagkakataon ang kanyang mga kalaban na magdesisyon kung lalaban sila o hindi. Hindi niya libangan ang pagpaslang, at sa tuwing mayroon gumugulo sa kanila, binibigyan niya muna ng pagpipilian ang mga ito na umatras. Ganoon man, hindi lahat ay binibigyan niya ng babala o pangalawang pagkakataon dahil kung ang intensyon ng gumugulo sa kanila ay para patayin sila, siyempre ay hindi maaawa si Finn sa ganitong uri ng mga kalaban.

Bukod pa roon, mayroon na siyang mga pangalan at katauhan sa kanyang isip na gusto niyang paslangin dahil sa malalim na dahilan.

At ang nangunguna roon ay si Jero Siporko na sinusundan ng ibang sangkot sa pagkawasak ng Ancestral Continent, at para sa kanya, kabilang na si Gyuru sa mga dapat na mamatay dahil isa siya sa mga namamahala sa mga lower realm na nasa ilalim ng pangangasiwa ng Crimson Lotus Realm.

At isa pang kabilang sa gusto ring paslangin ni Finn ay si Alisaia Seranim. Ang babaeng iyon na pinuno ng Ancient Phoenix Shrine ang puwersahang kumuha kay Ashe at muntik nang pumatay sa kanyang mga mahal sa buhay. Nangako na siya sa kanyang sarili na maghihiganti siya kay Alisaia at babawiin niya si Ashe para kina Kiden, Vella at Noah.

Ganoon man, wala na ang mga magulang ni Ashe. Siguradong kasama sila sa mga namatay dahil kay Jero, at hindi alam ni Finn kung paano niya haharapin at ipaliliwanag kay Ashe ang lahat.

Hindi niya kasalanan na mawasak ang Ancestral Continent, at iyon ang dahilan kung bakit niya hinahanap ang mga salarin at balak na unti-untiing paslangin ang mga ito.

Sa pagbibigay-babala ni Finn, walang kahit isang kawal ang kumalas o umatras. May ilan na nangangamba dahil sa maaaring kahantungan ng laban habang mayroong kampante dahil ang kaharap lang nila ay isang maliit na grupo na may mabababang antas ng Heavenly Emperor Rank.

Sigurado ang mga kawal na ang kanilang punong komandanteng si Gyuru ang haharap at makikipaglaban kay Finn kaya hindi natatakot ang karamihan sa kanila. Ang kailangan lang nilang pagtuunan ng pansin ay ang mga kasama ni Finn.

Samantala, inaasahan na ni Finn na walang kuwenta ang pagbibigay-babala niya. Ginawa niya lang naman ito para bigyang pagkakataon ang mga nais pang umatras. Ganoon man, halatang ang mga ito ay nakalaan na ang buhay para sa kanilang pinaglilingkuran. Sila ay mga kawal ng isang malaking puwersa, hindi mga rogue adventurer na pinahahalagahan ang kalayaan at ang kanilang buhay. Marahil inilaan na ng mga kawal na ito ang kanilang buhay para sa hangarin ng Crimson Guardian, at anuman ang ipag-utos sa kanila, gagawin nila iyon kahit pa ang maaaring maging kapalit ay ang kanilang buhay.

Sa huli, bago sila maging mga kawal ay mayroon silang sinumpaan sa kanilang pinamumunuan. At dahil tauhan sila ni Gyuru, siguradong pinili sila ayon sa kanilang potensyal at katapatan.

Ngumisi si Gyuru sa reaksyon ng kanyang mga kawal. Napa-ismid din siya sa pagbibigay-babala ni Finn. Naging mayabang ang kanyang ekspresyon at inilahad niya ang kanyang kamay bago magwika.

“Dahil lang naabot mo ang antas na 9th Level Heavenly Emperor Rank sa pamamagitan ng kung anong kayamanan, naging kumpyansa ka na. Nararamdaman ko ang kanipisan ng iyong enerhiya. Ang iyong pag-aaring enerhiya ay maihahalintulad lamang sa isang pangkaraniwang 9th Level Heavenly Emperor Rank, at kung makikipagsabayan ka sa akin, siguradong matatalo ka dahil mauuna kang manghina at maubusan ng enerhiya,” mayabang na paglalahad ni Gyuru sa kanyang mga napansin. “Hindi ko eksaktong alam kung bakit kakaaiba ang kagustuhan mong labanan ako. Hindi ko maintindihan kung talaga bang nais n'yong protektahan si Klaws Deterio o nais ninyong makuha ang aking ulo. Gayunman, ikinalulungkot sapagkat imposible ang alinman sa maprotektahan n'yo si Klaws o ang matalo ako at ang aking mga tauhan.”

Legend of Divine God [Vol 9: World of Alchemy]Where stories live. Discover now