Chapter XLIV

4.9K 1K 93
                                    

Chapter XLIV: Neglected

Nagawa na ring maubos nina Poll ang mga kalaban. Nasaksihan pa nila ang huling atake na pinakawalan ni Finn, at namangha sila sa resulta ng atakeng iyon. Naramdaman nila ang maharlikang enerhiya na nagmumula sa sibat. At hanggang ngayon ay malalim na iniisip pa rin nina Eon, Poll, Paul, ganoon din si Norton kung anong klase ng skill ang pinakawalan ng binata. Ngangayon pa lang nakina nina Eon ang skill na iyon ng binata, at ngayong nasaksihan nila iyon, napagtanto nilang marahil isa na iyon sa itinuturing na alas ni Finn.

Lumapit si Norton kay Poll. Deretso pa rin ang kanyang tingin kay Finn na kasalukuyang nakatayo sa gilid ni Gyuru. Bakas ang malalim na pag-iisip sa kanyang mga mata, at hindi niya na mapigilan na magtanong.

“Mayroon siyang kapangyarihan na nanggagaling sa mga bituin sa kalawakan. Isa bang celestial ang iyong guro? Unang pagsuri ko pa lang sa kanya ay napansin ko na ang kakaiba niyang pagkatao. Para siyang tao ngunit hindi siya purong tao,” nahihiwagaang sambit ni Norton.

Sinulyapan ni Poll si Norton bago muling tumingin sa kinaroroonan ng kanyang guro. Huminga siya ng malalim at nagwika, “Anak si Guro ng isang celestial kaya nabibilang siya sa lahi ng mga celestial. Tungkol sa iba pang impormasyon tungkol kay Guro, hindi ko na alam dahil maging si Guro ay hindi alam ang kanyang totoong pagkatao at hindi niya rin kilala ang kanyang totoong mga magulang.”

Bahagyang napatango si Norton. Tinawag niya na ang kanyang mga alagad, at sa kasalukuyan, tatatlo na lang ang mga ito dahil ang dalawa ay nasawi na. Ganoon man, hindi siya nag-aalala sapagkat hindi aktwal na buhay ang mga nilalang na iyon. Kahit mamatay ang mga iyon, maaari niya pa ring tawagin iyon kapalit ng paggamit ng kanyang kapangyarihan.

Pinabalik niya na sa pinanggalingan ng mga ito ang natitirang tatlong nilalang. Napansin niya ring tumayo na si Eon mula sa kanyang pagpapahinga, at nagsisimula na rin sina Reden sa pag-absorb sa death energy ng mga namatay.

Si Paul ay nagsisimula na sa pangongolekta ng mga kayamanan. Hindi niya na hinintay pa ang utos ni Finn dahil alam niyang trabaho niya ito.

Samantala, nang makabawi na si Eon ng lakas, naglakad na siya patungo sa kinaroroonan ni Finn at Gyuru. Sumunod sa kanya sina Poll at Norton habang si Paul ay nagpatuloy sa kanyang pangongolekta ng mga kayamanan.

Sa kabilang banda, naghihintay pa rin si Finn sa tugon ni Gyuru. Marami siyang katanungan na gustong itanong kay Gyuru, at ang lahat ng iyon ay tungkol sa kung bakit hinayaan ng Crimson Lotus Realm na may makapasok na malalakas na adventurer sa planetang Accra.

“Kung ako sa 'yo, ititigil ko na ang lahat ng ito. Marahil natalo mo ako subalit pagsisisihan mo kapag pinaslang mo ako!” Pananakot ni Gyuru.

“Kung mayroon man akong kinatatakutan, hindi iyon ang pagpaslang sa 'yo. Marami na ang nawala sa akin, marami na akong pinagdaanan kaya ang magkaroon ng malaking kaaway ay balewala na sa akin,” tugon ni Finn. “Kaya kung ako sa iyo, itigil mo na ang iyong pananakot dahil nagsasayang ka lang ng lakas at laway. May isa lang akong layunin sa pagkakataong ito, at iyon ay makuha ang lahat ng sagot sa mga tanong ko.”

Umismid si Gyuru. Wala na siyang lalabasan sa sitwasyong kinalalagyan niya. Hindi niya alam kung nagbibiro lang si Finn, ganoon man, wala na siyang pakialam. Ang buhay at kanyang kamatayan ay wala na sa kamay niya. Hindi niya na hawak ang kanyang buhay dahil sa estado niya ngayon, alam niyang kung hindi siya magagamot, mamamatay siya.

Wala na rin siyang ganang mabuhay. Tumagas na ang kanyang enerhiya mula sa kanyang soulforce coil. Pahina na siya nang pahina, at ang kanyang antas ay bumaba na. Ang rason kung bakit siya sumugal at nagprisinta na pumasok sa mundong ito ay para malampasan niya na ang kanyang limitasyon at tuluyan nang makatapak sa Chaos Rank, subalit hindi niya na iyon magagawa bagkus, kabaligtaran pa ang nangyari sa kanya. Sa halip na tumaas ang kanyang antas, mas lalo pang bumaba dahil sa pagkatalo niya kay Finn.

Legend of Divine God [Vol 9: World of Alchemy]Where stories live. Discover now