Chapter XLIX

5.3K 1K 197
                                    

Chapter XLIX: The Future and the Prophecy (Part 3)

Isinagawa rin ni Filvendor kay Alisaia kung ano ang ginawa niya kina Ashe at Fae upang masilip ang hinaharap nito. Kasalukuyan siya ngayong napalilibutan ng aura habang sina Ashe, Fae at Vishan ay nananatiling naghihintay ng resulta. Tensyonado sina Ashe at Fae sa mga mangyayari at sa mga ibubunyag ni Filvendor sa oras na matapos ito sa pagsilip sa hinaharap ni Alisaia. Gusto nilang malaman kung sino at anong dahilan kung bakit mamamatay ang kanilang guro, at nais din nilang malaman kung mayroon bang paraan upang mapigilan ito.

At ilang sandali pa ang lumipas, nabigla sina Vishan, Ashe at Fae nang bigla na lamang bumitaw si Filvendor sa paghawak sa palad ni Alisaia. Maging si Alisaia ay natauhan habang si Filvendor ay nananatiling nakatulala habang ang kanyang mga mata ay purong puti pa rin.

Nagulantang si Alisaia sa kakaibang nangyayari. Agad siyang napabaling kay Vishan at nagtanong, “Ano'ng nangyayari..? Nabitawan niya na ang aking kamay kaya dapat ay tapos na siya sa pagsilip sa aking hinaharap, hindi ba..?”

Hindi agad nakasagot si Vishan sa tanong ni Alisaia. Pinagmamasdsn niya pa rin si Filvendor at maging siya ay naguguluhan kung ano ang nangyayari sapagkat ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakita niyang nagkaganito si Filvendor--na nagpapatuloy sa pagsilip sa hinaharap kahit wala na itong hinahawakang palad.

“Ito ang unang beses na nangyari ito. Mayroong mali... marahil mayroong nangyari kaya nagkakaganyan si Haring Filvendor,” seryosong sabi ni Vishan. Nag-aalala siya para sa kanyang kapatid pero, nanatili siyang tahimik dahil alam niyang malakas ang kanyang kapatid at hindi ito basta-basta mapapahamak. “Ang magagawa na lamang natin ngayon ay maghintay sa mangyayari sa kanya. Maghihintay tayo sa kung ano ang nangyayari at kung ano ang kanyang nakikita.”

Ito lang ang kanilang pagpipilian kaya nanahimik na lamang silang apat at payapang naghintay. Gustong-gusto na nilang malaman ang nangyayari at kung ano ang nakita at nakikita ni Filvendor, pero hindi nila maaaring abalahin si Filvendor dahil maaaring malagay sa panganib ang kanyang buhay kung bigla siyang pahihintuin sa pagsilip sa hinaharap.

Kaya naririyan lagi si Vishan upang siya ay protektahan. Siya ang nagsisilbing protektor ni Filvendor sa tuwing ito ay sumisilip sa hinaharap ng iba.

Habang tensyonadong naghihintay, mabilis din namang lumipas ang mga oras. Kumonsumo lamang ng ilang minuto ang pagsilip ni Filvendor sa hinaharap nina Ashe, Fae at Alisaia ngunit sa pagkakataong ito, inabot na siya ng ilang oras sa ganitong estado. Napapakunot na ang noo ni Vishan, nagsasalubong na ang kanyang kilay at mapapansin na ang komplikasyon sa kanyang ekspresyon.

Nag-aalala na siya para sa kanyang kapatid, at hindi na rin niya magawang maging kalmado dahil sa kasalukuyang takbo ng mga pangyayari.

Ganoon man, makaraan ang ilan pang segundo, nakahinga siya ng maluwag nang bigla na lamang mapapikit si Filvendor. Naglaho ang kakaibang aura na inilalabas niya at napahawak ito sa sintido dahil nakakaramdam ito ng pananakit ng ulo.

Agad na tumabi sa kanya si Vishan upang siya ay alalayan. Naglabas din ito ng upuan at pinaupo siya nito upang makapagpahinga ng matiwasay.

Huminahon si Filvendor ngunit nananatili pa ring nakapikit ang kanyang mga mata, at nang maimulat niya ang kanyang mga mata, walang emosyong makikita rito. Blanko ang kanyang ekspresyon habang nakatulala siya sa kawalan.

Napansin nila Vishan at Alisaia ang kakaibang nangyayari kay Filvendor. Pero, hindi na nila nagawang magsalita dahil nasaksihan nila na agad-agad ding bumabalik sa dati ang estado ni Filvendor.

“Ano'ng nangyari sa iyo, Haring Filvendor..? Ngayon lang kita nakita sa ganoong sitwasyon..” nag-aalalang tanong ni Vishan sa kanyang kapatid.

Marahang lumingon sa kanya si Filvendor. Sandali siya nitong tiningnan bago ito tuluyang tumayo at malumanay na nagwika, “Sasabihin ko sa iyo ng pribado mamaya. Mahalaga ang bagay na ito, at ito ay tungkol sa kinabukasan ng Great Land of Elves.”

Legend of Divine God [Vol 9: World of Alchemy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon