Iyong Lala na nakausap ko sa cellphone. Inis talaga ako noong panahon na 'yon. Pinsan niya pala 'yon!

"She helped me with everything that's why I'm so thankful. I can continued my studies." Hinawakan niya ang kamay ko. "Sinubukan ko rin alamin kung si Darius nga talaga. I was sixteen when I tried to find his fingerprint on that gun. Weeks had passed the result came. Fingerprints niya ang nandoon. Nadagdagan lang lalo ang galit ko sa kaniya nang lumabas 'yon."

"Pero hindi 'yon magagawa ni Darius..." bulong ko. "Gago 'yon pero hindi niya ugali ang gano'n. Hindi niya kayang gawin 'yon."

"I know, but my mind was closed. I didn't hear his explanations. All I want is to have vengeance for what he did. So, I made a plan to have that..." bahagya pang nanlamig ang kamay niya.

"Plano na ginawa mo?" Hinarap ko siya. "Ano ang plano 'yon?"

Tumingin lang siya sa akin bago iniwas ang tingin. "We are still classmates at that time and we are both sixteen. You saw the picture, right? We are not on good terms everyday. We'll always fight. Noong panahon na 'yon, I knew he has a girlfriend and I u-used his g-girlfriend, Darlene."

Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya. Kumawala ako sa pagkakahawak niya. Bahagya pang nangatal ang labi ko sa nalaman.

"M-Matagal mo ng kilala ang girlfriend ni Darius noon? Matagal mo ng kilala ang kaibigan ko? Alam mo kung sino ang girlfriend niya at alam mong si Abi iyon," hindi makapaniwala na sinabi ko. "Sabihin mo sa akin, kilala mo na siya? Bago pa tayo tuluyan magkakilala, kilala mo na siya?"

"Y-Yes... I know her," pag-amin niya.

Tumingin ako sa kaniya, pigil ang emosyon ko nang tumingin pabalik sa kaniya. "Anong ginawa mo? Ano ang plano mo?"

"I tried to get her from Darius because I know using her makes Darius miserable."

Suminghap ako. "Ginamit mo siya para lang makaganti?" Bahagyang tumaas ang boses ko.

Hindi ko kinakaya lahat ng nalalaman ko ngayon. Si Lara, matagal na pala niyang kilala. Kaya pala parang hindi sila ayos noon kasi may mangyayari na. Ako namang manhid, hindi maramdaman dahil busy kakahanap kay mama sa Internet.

At namatay na siya't lahat hindi ko man lang nalalaman. Nagawa niya ang plano niya bago pa mamatay si Lara. Kaya pala sinabi ni Lara na sabihin kong mahal niya si Darius dahil baka iniisip ni Darius na hindi siya mahal ni Lara dahil sa ginawa ni Phoenix.

"Yes, I did. I used her. I used to be with her. I'm always seeing her kahit sila pa ni Darius noong panahon na 'yon," pag-amin niya ulit.

"Wow, Nix, hindi ako makapaniwala nang dahil sa mali mong akala, naging miserable ang kapatid ko, nasira ang kapatid ko na siyang intention mo. Mas lalong hindi ako makapaniwala na magkakilala kayo ng kaibigan ko, na siyang ginamit mo para lang gantihan ang kapatid kong wala namang kasalanan."

Lumabas ako sa mini mart, sumunod naman kaagad siya sa akin. Hinawakan niya ang palapulsuhan ko nang bilisan ko ang maglakad.

"Darlene, but, my plan wasn't successful because I stopped when I saw her crying. I saw how she loves your brother."

Humarap ako sa kaniya. "Oo, mahal na mahal siya ng kapatid ko. Halos hindi na nga sila mag-usap dalawa noon. Namatay si Lara nang hindi man lang nalalaman ni Darius na mahal na mahal siya ni Lara. Namatay siya matapos mong magawa ang plano mo."

"I stopped doing that, Darlene. Hinayaan ko na sila, I saw Lara loves your brother so much. I stopped because Tito Dylan showed something to me, it was a video clip inside of our mansion. It's a clip how my parents died. Hindi ko alam kung sino ang paniniwalaan ko. Ang fingerprints ba ni Darius sa baril o ang video na 'yon dahil parehas sila ng suot na damit ng mangyari 'yon. Hindi ko alam kung sino. Hindi ko alam kung sino ang dapat kong paniwalaan." Tumingin siya sa akin, masyadong mababa ang boses niya... ni hindi siya sumisigaw.

The Girl in Worst Section (Completed)Where stories live. Discover now