Epilogue

74 7 8
                                    

We're finally here. If you reach this part, thank you very much.🥂

__

"Ate Sabrina? Umiiyak ka na naman," untag sa akin ni Imee.

"Huh?" Hinawakan ko ang aking pisngi at basa nga ng luha.

Nakita ko ang pagsulyap sa akin ni Auntie Rebecca at Aling Crisselda. Nandito kami sa kusina at naghahanda ng mga lulutuin para sa araw na ito. Ang pinagkakaabalahan namin ngayon ay ang karinderya at sari-sari store na ipinatayo namin gamit ang mga sandamakmak na perang naiwan sa akin.

I donated some of the money to different kinds of foundations especially for the abused children.

Ang iba ay ginamit ko upang tulungan ang maliit na bayan na ito. Ang mga lubak-lubak na mga kalsada noon ay pinaayos ko. Pinalagyan ko rin ng solar street light ang bawat daan upang kahit walang kuryente ay maliwanag pa rin ang mga kalsada.

I gave a huge amount of money to the municipality for the funds and livelihood of the people living here. Ang iba nga ay sinasabihan akong tumakbo sa susunod na eleksiyon pero wala akong interes sa bagay na iyon.

I just want to live a simple and normal life. I want to get rid of the money that I have kaya ipinamimigay ko ang mga ito sa mga nangangailangan. It's just too many for me. Hindi ko naman ito basta na lang ipamigay sa mga tao. I want to give it to the people who really needs it and has a good heart.

Money should be handled with care and moderation because if not, it will make you evil and greedy.

Tinalikuran ko na ng lubusan ang buhay na kinagisnan ko noon. Gusto kong magsimula ulit. Yung hindi na ako hahawak ng baril at papatay ng tao. Gusto kong makalimot kaya nagpakalayo-layo ako at napadpad sa lugar na ito. Sa bahay nila Soul.

Ngayon na wala na ang paaralan ay bumalik na ang mga ala-ala ni Soul kina Aling Crisselda.

Sobra silang nagluksa sa pagkawala niya. Ang mga larawan kung saan siya nabura ay muling nagbalik. At sa tingin ko ay ganun din ang nangyari sa ibang mga estudyante na nakalimutan ng kanilang mga pamilya.

Everything has returned, except for my heart.

"Sabrina, okay ka lang ba anak?" tanong ni Aling Crisselda.

She's calling me 'anak' and happy I'm for that.

Pagkalabas ko noon sa hospital ay dito ako dumiretso kasama si Auntie Rebecca. Ang balak ko sana ay bumili ng lupa at magpatayo ng maliit na bahay malapit sa kanila pero pinigilan ako ni Aling Crisselda. Bakit daw pa ako gagasto kung meron namang mga bakanteng kwarto sa bahay nila.

Kaya ngayon ay dito na kami nakatira ni Auntie Rebecca. Sa dating kwarto ako ni Soul natutulog at si Auntie naman ay sa nag-iisang kwarto na para sa mga bisita.

Masaya dito sa lugar nila. Ang babait ng mga tao at ang sasaya nilang kasama. Kahit papaano ay nakakalimot ako. Pero ang sakit ay nananatili pa rin sa aking dibdib. At sa tingin ko ay babaunin ko ito sa aking pagtanda.

"A-Ayos lang po ako. Pwede po bang maiwan ko muna kayo dito? May pupuntahan lang ako," wika ko.

"Pupunta ka na naman doon?" tanong ni Auntie Rebecca na naghihiwa ng carrots.

"Opo Auntie."

Narinig ko ang paghinga niya ng malalim. "Sige, mag-iingat ka."

Hinaplos ko ang ulo ni Imee at Arlo bago lumabas ng kusina.

Nagtungo ako sa kwarto at kumuha ng jacket na pangpatong sa manipis na damit na suot ko. Kapapasok namin sa ber months kaya malamig na ang panahon lalo na sa umaga at gabi.

A Glimpse Of Hell (COMPLETED)Where stories live. Discover now