Chapter 24

38 2 0
                                    

Naalimpungatan ako nang makarinig ako ng sunod-sunod na tunog ng doorbell. Pagtingin ko sa oras ay mag-aalas nuwebe na ng gabi.

Mukhang napahaba ang tulog ko.

Inis akong lumabas sa kwarto at tinungo ang pintuan dahil hindi tumitigil ang sino mang hinayupak sa pagpindot ng doorbell. Binuksan ko ang ilaw sa sala at padabog na hinila ang pintuan pabukas.

Ang busangot kong mukha ay kagyat na nawala nang makita ko kung sino ang taong nasa aking harapan at nakapamulsa.

"Hi," maikli niyang bati sa akin.

"H-H-Hi," kandautal kong sagot.

Nagkatitigan lang kami at walang nagsasalita.

Nailang ako sa klase ng kanyang titig kaya nag-iwas ako ng tingin.

Humigpit ang kapit ko sa pintuan. Nangangatog ang mga tuhod ko sa hindi malamang kadahilan.

Tumikhim ako upang mawala ang awkwardness sa pagitan namin.

Nagkamot ako sa ulo. "Ahm. Hmm.... Pasok ka?" anyaya ko at linuwagan ang pagkakabukas ng pintuan.

Tumabi ako nang pumasok siya sa loob. Pakiramdam ko tuloy ay ako ang bisita sa sarili kong pamamahay dahil sa presensya ni Sage.

Pinasadahan niya ang loob ng bahay saka tumingin sa akin ang kanyang asul na mata.

Naconscious ako at pasimpleng inamoy ang sarili. Hindi pa ako nakapagpalit ng damit mula kanina.

"You're alone here?" tanong ni Sage.

Tumango ako.

"U-Upo ka. Kukuha lang ako ng maiinom," sabi ko sa kanya.

Iniwan ko siya sa sala at nagmamadaling pumasok sa kusina.

Mabilis ang hininga kong kumuha ng makintab na kutsara at nagsalamin doon.

Binaba ko ang kutsara tsaka bumuntong hininga.

Binasa ko ang aking labi.

Ilang araw ko siyang hindi nakita. Ang alam ko ay hindi siya lalabas ng paaralan. May dala siyang medyo kalakihang duffle bag. Saan kaya siya uuwi? Bakit napadpad si Sage dito sa bahay namin?

Kumuha ako ng pitsel na naglalaman ng orange juice at isang baso. May nagmementain dito sa bahay simula nang umalis kami dito ni kuya kaya laging malinis.

Pagkabalik ko sa sala ay naabutan ko si Sage na tulala.

"Inom ka muna," alok ko sa kanya.

Bumaling siya sa akin. "Where's your parents?"

Nakatayo lang ako dahil hindi ko alam kung uupo ba ako o ano. Ito ang una naming pagkikita matapos nung nangyari sa amin sa school.

Ayaw ko na iyon pang pag-usapan at mukhang ganun din siya. Okay naman na ako matapos lahat ng mga sinabi ni Ms. Anne.

"Nasa ibang bansa," sagot ko.

Inisang lagok niya ang laman ng baso at nagsalin ulit siya bago sumandal sa upuan. Ngayon ay dahan-dahan na ang pag-inom niya habang nakatitig sa akin.

Para siyang hari na nakaupo at ako ang kanyang utusan.

Napagpasyahan kong umupo sa kaharap niyang sofa. "B-Bakit ka nga pala nandito?"

Inilapag muna niya ang baso bago nagsalita. "Can I stay here?"

"Huh?" Parang nabingi ako sa tanong niya.

"Can I spend my sembreak here?"

"Hindi pwede!" bigla kong naibulalas.

Natigilan si Sage sa sinabi ko. Ilang minuto bago siya nagsalita. "Okay. Then I should go now," aniya saka tumayo at naglakad papuntang pintuan.

A Glimpse Of Hell (COMPLETED)Where stories live. Discover now