Chapter 18

35 2 1
                                    

Lucy's POV

"Kailangan ba talagang tatlo tayo na babalik?" reklamo ni kuto.

"Oo nga! Kung bakit ba kasi nakalimutan mong dalhin ang mga cupcakes!" irap ko sa kanya.

Hmp! Nakakastress na! At kasalanan yun lahat ni Virginia! Ako lagi ang inuutusan at pinag-iinitan niya. Hindi pwedeng ako lang kaya idinamay ko sina Angel at Alex para masaya.

"Bakit mo pa kasi sinusunod ang matandang yun?" ani Alex. Hindi ko maiwasang bumunghalit ng tawa sa sinabi niya.

"Ayaw kong mabagsak 'no! Kahit papaano naman eh gusto kong makapasa. Maraming fafa ang nag-aabang sa akin sa labas," tawa ako.

"Ayaw ka na nilang lumabas dito. Maghahasik ka lang ng AIDS sa labas," panirang bara ni Angel sa akin.

Maldita! Sinabunutan ko nga.

"Aray! Bakla ka!" tili niya at nagsabunutan na kami habang naglalakad.

Nauunang naglalakad si Alex kaya nang tumigil siya ay nauntog kami sa kanyang likod.

"Huy anong–"

"Quite!" suway niya sa akin. Agad niya kaming hinila ni Angel upang magkubli sa isang malapad na poste malapit sa amin.

Sumilip ako sa tinitignan niya. "Ano bang meron–" natutop ko ang bibig nang makita ko si fafa Sage, ang king ng buhay koooo~

Nagningning ang aking mga mata at nagpuso-puso pa. Napahawak ako sa leeg ng wala sa oras. Parang sinasakal ako. Sinasakal niya ako sa sarap! Mwehehe!

"Is that Sabrina?" mahinang tanong ni Angel. Doon ko lang din napansin ang babaeng buhat niya.

Si Sabrina nga!

Eh anong ginagawa ng dyosang yan dito? Katatapos lang ng stage play ah. Hindi pa nga kami makalapit sa kanila dahil sa mga nagwawala na mga taga business. Ayaw ko namang makipagsapalaran no! Masisira ang beauty ko. Matatanggal pa ang eyelashes ko.

"This is bad," bulong ni Alex sa sarili.

"What bad? Eh kasama lang naman niya si Sage–"

"Wake up from your fantasies! Look at them carefully!" mahina niyang sigaw sa akin. "Sabrina is unconscious and look at Sage's face!"

Napakurap ako. Tumalsik kasi ang laway niya.

Pinagmasdan ko silang mabuti. Kaduda-duda nga ang mga galaw ni king Sage. Buhat niya si Sabrina na walang malay. Lupaypay ang ulo niya na nakaharap sa amin.

From her torn clothes to Sage's crazy face, I already knew what's going on.

Memories from past flooded my head. The same scene. The same person. And the same story.

Does history repeating itself again?

"Saan ka pupunta?" pigil sa akin ni Angel.

"Nagtanong ka pa? Sabrina needs to be save!"

"At anong magagawa mo ha? Bakla ka, lampa. Lalaki siya, nangbabalya. With his state right now. Baka mapatay ka niya!"

"Wag mo nang ipagdiinang bakla ako! Ano? Hahayaan na lang natin siya? Ganun??"

Sinasakay na ni king Sage si Sabrina sa mustang niya!

"I think we need to contact her," wala sa sariling sabi ni Alex.

Natampal ko ang noo kong may makapal na foundation. Alex was right. We need her help for the second time around. And I hope that this time, we're not too late.



Vanessa Haze's POV

Good mood ako. Kanina pa. Ang galing kasi ng mga gumanap sa stage play. With their acting skills and the unique story, there's no way that we're gonna loose.

A Glimpse Of Hell (COMPLETED)Where stories live. Discover now