Chapter 23

37 2 0
                                    

“Kasalanan mo kung bakit ako namatay!" sigaw ni Soul habang sinasakal ako. "At wala ka man lang ginawa! Papatayin din kita!"

Humigpit ang pagkakasakal niya sa  akin. Nagpapalag ako pero hindi niya ako binitawan. Punong-puno ng pagkamuhi ang kanyang mata na nakatingin sa akin.

Umikot ang mga mata ko at nalagutan ako ng hininga.


"HAAHH!!" bulalas ko na napaupo sa kama habang habol ang aking hininga.

Sinapo ko ang noo nang bumalik sa akin ang mga alaala ng nangyari kanina sa level 6.

I sighed. Soul's really gone... Forever.

Mariin kong ipinikit ang aking mga mata upang pigilan ang luha na gustong umalpas. Masakit man isipin na wala na siya pero kailangang tanggapin. Lahat naman tayo ay papunta doon. Unahan nga lang. Ang mahirap lang kasi sa nangyari kay Soul ay sobrang lagim at hindi makatao ang pagkamatay niya.

Matapos kong kalmahin ang aking sarili ay lumabas ako ng kwarto. Alas singko pa lang ng umaga. This is our last day here in school before semester break.

Pagkarating ko sa sala ay rinig na rinig ko ang mga ingay na nanggagaling sa kusina.

Pagkapasok ko doon ay tumahimik agad sila. Bumaba si Bartender Morgan mula sa pagkakaupo sa counter. Agad namang pumormal sina Jameson at Clark habang busy sina Hazel at Jayden sa pagluluto ng agahan.

Tumikhim si Kyle at inilabas ang cellphone. Sumulyap muna siya sa akin ng isang beses bago nagtipa ang kanyang mga daliri doon.

Hindi ba umuwi ang mga ito kagabi?

Naglakad ako papuntang ref upang kumuha ng maiinom. Pagkagising ko ay iba na ang damit ko. Hindi ko alam kung sino sa kanila ang nagpalit sa akin pero sigurado akong si Hazel.

"Good morning Sabrina. Buti gising ka na," bati sakin ni Jayden nang mapansin niya ako. "Pasensya na kung ako ang nagpalit ng damit mo kagabi."

Naibuga ko ang tubig na aking iniinom dahil sa sinabi niya.

Humigpit ang hawak ko sa baso. "What did you say?" tanong ko na nakatitig sa ref na kulay itim. Samsung pala ang brand nito. Ngayon ko lang napansin.

"Masama kasi ang pakiramdam ni Vanessa kagabi. Hindi ko naman maatim na matulog kang pawisan ang damit mo," paliwanag niya. "Si Jameson nga ang nagpresinta pero umangal si Kyle kaya nagsuntukan sila," dagdag ni Jayden.

Binalingan ko ang dalawa at putok nga ang labi ni Kyle. Black eye naman kay Jameson. Tss.

"Don't worry. Pumikit naman ako," aniyang nakatalikod na habang naghahalo ng kung ano.

"Dito kayo natulog?" tanong ko sa mga boys pagkaupo.

"Wala kasing magbabantay sa inyo. Pareho pa naman kayong may sakit." Si Bartender Morgan ang sumagot.

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

Binalingan ko si Hazel at may benda ang kanyang ulo dulot ng pagkakatilapon niya kagabi.

Umupo si Jameson sa tabi ko. "Wala ka bang nararamdaman na masakit?" alalang tanong niya.

Umiling ako habang inuunti-unti ang pag-inom ng tubig na nasa baso.

"Breakfast is ready," mahinhin na hayag ni Hazel. Tumaas ang kilay ko sa inaasal niya. Para siyang Maria Clara kung kumilos.

Gusto ko sanang matawa noong maisip kung bakit ganito ang inaakto niya pero wala eh. Hindi ko magawang ngumiti o tumawa ngayon.

Nagsiupuan ang lahat sa harap ng lamesa. Napuno lahat ang mga silya na dati ay halos hindi nauupuan.

Linagyan ni Kyle ng kanin ang plato ko at si Jameson naman ang naglagay ng ulam. Hinayaan ko na lang. Bahala sila kung ano ang gusto nilang gawin.

A Glimpse Of Hell (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon