Chapter 21

37 1 0
                                    

"RUUNNNN !! IT'S THE GEHENNA!!"

Nagsigawan sa takot ang lahat pagkarinig sa sinigaw nung lalaki. Nagtumbahan ang mga booths dahil sa pagmamadali. Halos lumindol ang lupa dahil sa mga nagsisitakbuhan na mga estudyante.

There's a stampede.

Merong mga nagtutulakan. May mga nadapa. Ang ibang hindi agad nakatayo ay naaapakan na.

"Let's go!" Hila sa akin ni Angel.

Nagpatianod ako sa paghila niya pero hindi pa kami nakakalayo nang biglang lumakas ang hangin at ang sanhi nun ay ang ipu-ipong bumagsak mula sa himpapawid kasama ng mga uwak.

Nagkahiwa-hiwalay kaming tatlo dahil dun.

"Shit!" Malakas na mura ng lalaking katabi ko na nakadapa at nakakapit sa damo. Kanya-kanyang kapit ang lahat, karamihan ay sa damo nakakapit tulad namin. Mahigpit din akong kumapit sa damo at yumuko. Hindi ito bagyo. Isa itong delubyo.

"Tulong!" sigaw ng isang babae.

Bumaling ako sa bandang kaliwa. Nakita ko ang isang payat na babae. Nakahawak ang isang kamay niya sa haligi ng isang booth na hindi pa natutumba habang ang isang kamay naman niya ay nakaabot sa akin.

"T-Tulungan mo ako please!" pagmamakaawa niya.

Bakas sa mukha niya ang matinding takot. Namamalisbis ang luha sa kanyang mukha. Hinigpitan ko ang hawak sa damo. Ang kuko ko ay bumaon sa lupa. Gamit ang isang kamay ay pilit kong inaabot ang kamay niyang nag-aantay ng tulong. Pero dahil sa lakas ng hangin ay hindi ko siya mahawak-hawakan.

Nanlaki ang mga mata niya at kasabay nun ang pagtama ng napakalaking uwak sa kanyang mukha. Nakabitiw siya sa pagkakakapit at nilipad ang katawan niya. Tumama siya sa poste at nabali ang katawan.

Yumuko ako at inuntog ang ulo sa lupa. Tangina. Wala man lang akong nagawa para tulungan siya. Napaka wala kong kwenta.

Palahaw ng iyak na puno ng pighati at takot ang pumuno sa aking tenga.

Nakaramdam ako ng matinding sakit sa aking dibdib sa aking mga naririnig. Ito na ba ang kapalit ng lahat ng mga tinatamasang karangyaan at kaligayahan? Pighati at kamatayan?

Matapos ang ilang minuto ay naglaho rin ang ipu-ipo. Nagpapasalamat ako sa damo dahil buhay pa ako.

Matapos makarecover ang lahat mula sa hagupit na dala ng ipu-ipo ay nagsigawan at nagtakbuhan na naman sila.

Nalilito man ay nakitakbo na rin ako.

Nagkaroon ng mahihinang lindol pero sige pa rin sa pagtakbo. Nagkaroon ng malakas na kulog. Humangin ng malakas. Sa lakas nito ay naririnig na ang huni nito.

Suddenly, a heavy lightning strike on level 2.

The bell rang slowly. It was cold and chilly. It was like a rhythm of death.

Lumingon ako doon at isang itim na usok ang bumubulusok papunta sa amin. Nakita iyon ng mga estudyante at lalo lang silang naghiyawan sa takot. Meron na ring umiiyak. Napatigil ako mula sa pagtakbo. May malakas na pwersa ang humahatak sa akin papunta sa usok. Nasasanggi ako ng iba pero tulala ako.

"GET MOVING YOU STUPID HEAD!" singhal sa akin ng isang babae na siyang nagpagising sa akin. Pinilig ko ang aking ulo at tumakbo ulit.

I don't know where they're going but they were all heading to level 4.

"RUN INSIDE YOUR VILLAS!!" sigaw ng isang lalaki.

Paglingon ko ay meron nang nahagip ang itim na usok at hindi ko alam kung ano ang nangyari sa mga estudyanteng nahagip nito.

A Glimpse Of Hell (COMPLETED)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu