Chapter 7

55 3 0
                                    

Warning:  spg ahead

Marahas kong binuksan ang pintuan sa club at napahawak ako sa posteng malapit sa akin habang umuubo.

Kanina pagkatapos umalis ng Queen at ang lalaki ay nagpalabas ng usok ang DJ. Everyone gets high and became wilder. When I got to sniff the gas, it was confirmed that it's a smoke drug. Hindi ko nakayanan ang amoy kaya lumabas na ako. I don't want also to put myself in danger.

Nanatili pa rin sa loob sina Jameson at Morgan dahil hindi na talaga ako nagpapigil kanina. Makakatikim na talaga sa akin si Jameson kapag nagpumilit pa siya.

Tumuwid ako ng tayo at liningon ang club. Maririnig pa rin dito sa labas ang ingay ng musika at hiyawan ng mga estudyanteng nagwawala.

Naglakad na ako palayo doon. It's almost 12 at may pasok pa ako bukas. Madaming lalaki ang tumatawag at sumisipol pero hindi ko na lang pinansin, baka makasapak pa ako.

Sasakay na sana ako sa mga cab na nakaparking sa gilid-gilid ng daanan nang may nakita akong lalaking kamukha ni Twerk.

Mabilis ko itong sinundan pero hindi ako nagpahalata. Kataka-taka ang mga kilos nito. Lumiko ito sa kaliwang kalye kung nasaan ang mga nagbebenta ng mga street foods saka humalubilo sa kumpol ng mga estudyante.

Lumingon ito sa direksyon ko kaya mabilis akong nagtago sa gilid ng ihawan ng mga beta max.

"Pasensya na po," paumanhin ko dun sa tindera bago umalis. Lumiko ulit si Twerk sa kaliwa at nang lumiko rin ako ay wala na siya.

There's nothing here except for a barb wire gate with a caption, "KEEP OUT."

Madilim ang parteng ito ng level 5 dahil walang mga street lights.

Inuga ko ang gate para siguraduhin na matibay ito. Mahigpit kong itinali ang aking buhok at inayos ang bag sa aking katawan dahil aakyatin ko ito. This was just a normal gate to climb unlike the main gate of the school.

Luminga-linga muna ako upang tingnan kung meron bang tao sa paligid. Nang masigurong wala ay inumpisahan ko na itong akyatin. My dress was stretchable and luckily I'm wearing some cyclings. 

Maingat kong iniapak ang aking mga paa sa kabilang parte ng gate dahil may mga nagkalat na matutulis na bato at mga pako sa paligid. Mabuti na lang at medyo maliwanag ang buwan at hindi ko na kailangan pang gamitin ang maliit na flashlight na dala ko dahil baka makaagaw pa ito ng pansin.

Nang malagpasan ko ang mga patibong ay natagpuan ko ang aking sarili na nakaharap sa border ng level 6 pero wala man lang akong makitang pwedeng pasukan. It's like a wall made of steel, parang doon sa main gate pero mas manipis ito at gaya dun sa gate na inakyat ko kanina ay may "RESTRICTED PROPERTY 🚷" na nakalagay.

Ano 'to? Level 1 to 5 is inclusive while this one isn't? There must be something here for it to be restricted. Napansin ko nga kanina na walang estudyante ang lumalapit malapit sa barb wire.

Tumingin muna ako sa paligid bago ko inilabas mula sa aking bag ang pinagbabawal na technique, isang laser beam.

It's a small device that was used to cut iron and steel. This one is a good partner if you're a burglar. Tinanggal ko ang takip nito bago pinindot ang maliit na button at lumabas doon ang laser. Maingat ko itong itinapat sa gate at mula doon ay gumawa ako ng pabilog na butas, umuusok ito at ramdam ko pa ang init na nagmumula dito.

Maingat kong sinalo ang parte ng gate na natanggal at inilagay sa gilid. Matapos nun ay dumukwang na ako upang pumasok sa butas para makapunta sa kabilang parte.

My feet landed on a wet ground as I was welcomed by the chirping noise of the night insects. From the tall trees scattered, there's no doubt that I am in a forest.

A Glimpse Of Hell (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon