Chapter 30

37 5 0
                                    

"Ilang oras pa tayong maghihintay?" inip kong baling kay Emma. Kanina pa kami dito sa labas at hinihintay ang susundo sa amin pero inabot na kami ng siyam-siyam pero wala pa ito.

Madami na ring mga estudyante ang nagsisipuntahan sa club Z at mukhang kami na lang ang naiwan dito.

"Malapit na yun," sagot niya na nakatitig sa hawak na cellphone.

"Kanina mo pa yan sinasabi," irap ko.

Inayos ko ang strap ng suot kong damit na kasing nipis na ata ng sinulid.

Ayaw ko sa puti na damit. White symbolizes purity and innocence which is not suitable for me. Hindi ko alam kung bakit puti ang napili kong suotin ngayon. Wala akong puting damit kaya humiram pa ako kay Emma kanina. I just felt like wearing white tonight.

"Hindi ka ba nilalamig diyan sa suot mo?" baling ko sa kanya. Kita kasi ang buong pusod niya at halos kita na rin ang singit niya sa iksi at revealing ng kanyang damit.

"Hindi naman. Bakit ikaw, nilalamig ka?" balik tanong niya.

Umiling ako. She's used on wearing these type of clothes kaya sanay na siguro. She looks like a rich spoiled brat who runs away from home. Maybe family problems? Iyon naman ang kadalasang problema ng mga mayayaman. Madami ngang pera pero hindi naman masaya ang pamilya.

"There he is," ani Emma.

Pumarada ang pamilyar na sasakyan sa aming harapan at inuluwa nun si Jameson na nakangisi.

Kumintab ang hikaw niya sa labi nang masinagan ng ilaw galing sa poste.

Sumipol siya sa amin. "Are you lost baby girls?" aniyang natatawa.

"Umayos ka!" Malakas siyang hinampas ni Emma. Close pala ang dalawang ito.

"Aren't we late?" tanong ko sa kanilang dalawa na nasa harap ng sasakyan.

Sumulyap sa akin si Jameson mula sa salamin. "Maaga pa. Mamayang 12 mag-uumpisa ang totoong party," aniya.

Pagkarating namin sa level 5 ay punuan ng tao. Madami ring mga sasakyan. Buti na lang at may nakareserve na parking space si Jameson kaya hindi siya nahirapang maghanap ng pagpaparadahan ng kanyang sasakyan.

Tumabi sa akin si Jameson habang naglalakad kami.

"You look innocent with your white little dress," kumento niya. "Virgin na virgin ang datingan ah," dagdag pa niyang nakangisi.

Bahagya akong nagulat sa sinabi niya sanhi upang sikmuraan ko siya. Ang sarap talagang hilahin ang dila ng unggoy na ito.

"Aray! Bakit ka ba nananakit?!" reklamo niya.

"Rendahan mo kasi yang bunganga mo," singit ni Emma.

"Totoo naman ang sinabi ko ah!" dagdag pa ni Jameson.

I'm not a virgin anymore because Sage already claimed. Hindi na lang ako umimik. Alangan namang sabihin ko.

"Totoo nga. But you don't have the rights to say those words!" si Emma.

"And why not?!"

"Kasi nakakabastos iyang mga pinagsasabi mo!"

Tiningnan ko si Emma. Bigla-bigla na lang nagagalit kay Jameson eh ako naman ang sinabihan niya ng ganun. No big deal. Sanay na ako sa bunganga ng isang ito. Nagulat lang ako kaya ko siya nasuntok.

"Hindi iyon pambabastos! That's a compliment!" ani Jameson na hindi nagpapatalo. "Nabastos ka ba Sabrina?" baling niya sa akin pero hindi ako sumagot.

"Sisikmuraan ka ba kung hindi?!" bulyaw naman ni Emma sa kanya.

A Glimpse Of Hell (COMPLETED)Where stories live. Discover now