Chapter 27

36 2 0
                                    

Last day namin dito sa rest house. We're here in the seashore having a bonfire and sharing good music. Some were roasting marshmallows. Ten was the one who is holding the guitar.

"So, how many years you two have been together?" tanong sa amin ng isa sa kaibigang lalaki nina Lucy.

Years? Gusto kong tumawa. Eh hindi nga kami.

"Just a few days ago," sagot ni Sage na nasa aking likuran. Nasa pagitan ako ng mga hita niya at nakasandal sa kanya.

Ang mga mukha nila ay gulat na gulat lalo na kay Aliyah na hindi naitago ang ngisi sa mukha.

"Pwede pang agawin kung ganun," aniya sabay kagat sa marshmallow at malagkit na tumingin kay Sage.

Binatukan siya ni Angel dahil sa kanyang mga pinagsasabi. Hindi ko tuloy maintindihan kung bakit nila naging kaibigan ang isang ito.

"That won't happen. My heart is only for her," sagot naman ni Sage na dahilan ng pag-arangkada ng puso ko.

Naghiyawan ang grupo pero tahimik lang ako.

Pinaglalaruan ni Sage ang aking mga daliri na hawak niya. Anong ibig sabihin ng sinabi niya? Is he falling for me?

Nagkakantahan sila habang ineenjoy ko naman ang pakikinig. Hindi ako makasabay dahil hindi ko naman alam ang kantang kinakanta nila.

"Are you cold?" bulong ni Sage sa aking tenga.

"Nope," sagot ko pero niyakap pa rin niya ako.

Napangiti na lang ako. Kung pwede sana na laging ganito. Yung kalimutan na lang lahat at huwag nang bumalik sa paaralan.

Naagaw ng pansin namin ang biglaang pagtungga ni Lucy ng beer at inasang lagok ang laman nun.

He burped. "Excuse me," aniya saka ngumisi. "Spin the bottle tayo!" masaya niyang wika.

Naexcite silang lahat at agad na sumang-ayon sa sinabi niya. Ayaw ko namang tawaging KJ kaya humiwalay ako kay Sage at umayos ng upo. Nang tiningala ko siya ay busangot na ang kanyang mukha na nakatingin kay bakla. Natawa na lang ako.

"So ganito ang gagawin natin," panimula ni bakla. "Truth or dare lang pero ang pipili ng dare ay magt-take ng isang shot para lumakas ang loob sa gagawing dare! Mas masaya yun!" ani bakla na parang naghohost ng isang event.

"Okay. Okay," ani Aliyah saka pasimpleng tumingin sa aking katabi.

Naningkit ang mga mata ko. Mukhang may binabalak ang isang ito. Sa mga ganitong klase pa naman ng laro nagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan.

Kumuha ng panibagong inumin si Adam sa container at inilagay sa mesa na nasa gitna namin.

"What? Eh di nalasing na kami agad?" reklamo naman ni Angel.

"Gaga. Eh di piliin mo ang truth," pagsusungit naman niya.

Umupo na si Lucy sa tabi ni Alex. "Let's starttt!" excited niyang wika saka malakas na pina-ikot ang bote.

Nagsisinghapan ang iba kapag tumututok ang ulo ng bote sa kanila pero sa huli ay kay Alex ito tumapat at ang dulo naman ay sa isa nilang kaibigang babae.

"Truth or—"

"Truth," mabilis niyang sagot.

Pffft. Alex na Alex talaga.

"Hmpp. Ang lame," ingos ni bakla.

"Matagal ko na itong gustong tanungin Alex. Matagal na tayong magkakilala pero wala pa akong nabalitaang nagkaroon ka ng boyfriend," ani ate girl. Sharmaine ata ang pangalan. "Hmm. Tomboy ka ba?"

A Glimpse Of Hell (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon