Chapter 8

51 3 0
                                    

Bangag ako. Period. Halos wala akong tulog kagabi sa kakaisip sa mga nangyari. Hindi ko na rin maalala kung paano ako nakauwi dahil okupado ang isipan ko sa mga nasaksihan.

Ayaw ko sanang pumasok pero ito ang unang araw ko kaya no choice kung hindi bumangon. Alas otso pa naman ang oras ng first subject ko.

Black skirt and white blouse ang departmental uniform namin katulad ng kay Hazel kahapon. It means business management din ang course niya.

Nagbihis na ako and as usual, I wear white sneakers again and not heels. Bagay naman kaya okay lang. Ibang sapatos ito dahil puno ng putik ang ginamit ko kagabi. Lalabhan ko na lang mamaya.

Nagsusuklay ako ng buhok nang may kumatok sa pintuan ng aking kwarto.

"Sabrina hindi ka pa ba tapos magbihis?" boses ni Soul sa labas.

Binaba ko na ang suklay. "I'm done!" sigaw ko. Kinuha ko ang aking leather back pack bago lumabas.

Nakatayo si Soul sa labas ng kwarto habang hawak ang maliit na salamin at inaayos ang kilay. Ngumiti siya nang makita ako.

"Good morning! Katok ako nang katok sa kwarto mo kagabi pero mukhang wala ka. Saan ka pumunta?" usyoso niya.

"Club Z," maikli kong sagot sa kanya saka nagsimulang bumaba.

Ewan ba pero hindi panatag ang loob ko sa kanya. Para siyang anghel na may masamang balak. Though I'm not rude kaya kinakausap ko na lang siya kahit papaano.

"Club Z? I was there also! Sayang at hindi kita nakita," aniya habang sumusunod sa akin.

"Ah. Kaya pala," yun lang ang sagot ko at dumiretso na ako sa labas. Hindi na ako nag agahan pa dahil hindi naman talaga ako kumakain sa umaga, kape lang sapat na.

Pumara kami ng cab at sumakay na kami papuntang level 3.

7:30 pa lang kaya dumaan muna ako sa cafeteria para bumili ng kape. Naghiwalay na kami ni Soul dahil sa ibang department siya at kailangan pa daw niyang gumawa ng assignment.

Pagpasok ko sa cafeteria ay merong mangilan-ngilang estudyante ang kumakain, lahat sila ay napatingin sa akin. Binalewala ko lang sila at dumeretso na sa counter.

"Kape nga po tas pakilagyan ng maraming ice," sabi ko kay ate.

"Kapeng may ice? Sa umaga?" pag uulit niya na parang ngayon lang nakarinig ng ganong inumin.

Tumango ako. Nagsimula na itong gawin ang order ko habang kinuha ko naman ang aking wallet sa bag.

Marami akong barya kaya yun na lang ang binilang ko na pambayad. Nasa kalagitnaan ako ng pagbibilang nang biglang may umakbay sa akin. At dahil mabigat ang braso na iyon at nagulat ako, tumilapon ang mga baryang hawak ko sa sahig.

Umalingawngaw sa apat na sulok ng cafeteria ang bawat kalansing ng mga baryang nahulog, rinig ko pa ang ibang gumugulong.

Umusok ang ilong ko.

Pabalang kong tinanggal ang braso sa aking balikat at sininghalan ang talipandas.

"Ano bang problema mong unggoy ka?! Hindi mo ba nakikitang nagbibilang ako ng barya?!" singhal ko. Wala na akong pakialam pa kung nagmumukha na akong palingkera dito.

"I'm sorry hindi ko sinasadyang gulatin ka. I was just excited to see you here," depensa naman ng unggoy.

Agad ko siyang namukhaan. It's none other than Jameson. Alanganin ang pagkakangiti niya sa akin.

Hindi ko siya pinansin at nagsimulang hanapin at pulutin ang mga baryang nagkalat sa sahig.

Nagmumukha akong walang pera sa aking ginagawa pero wala ulit akong pakialam. Pinakaayaw ko sa lahat eh yung natatapon na mga grasya, mapapagkain man o pera.

A Glimpse Of Hell (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon