Chapter 25

44 3 0
                                    

Gabi na nang makauwi ako. Bukas ang mga ilaw sa bahay. While parking my car in the garage, I saw an unfamiliar car. It's black color was shining from the dark. It looks expensive and new.

Kay Sage siguro ito.

Dumiretso ako sa bahay at binuksan ang pintuan pero nagulat ako nang makitang nakatayo si Sage sa likod nun at nakahalukipkip. Madilim ang mukha at masama ang tingin sa akin.

Nahinto ako sa paglalakad.

Pinasadahan niya ng tingin ang kabuoan ko pagkatapos ay sa kanyang relong pambisig.

"Where did you go?" he asked coldly.

"N-Namasyal lang."

"Up until 10?"

"Nalibang ako. I didn't notice the time," kibit balikat ko.

Naningkit ang mga mata niya. "Sinong kasama mo?"

I rolled my eyes. His acting like a strict parent and I don't like it.

"I'm alone okay? Don't be paranoid," wika ko saka linampasan siya.

Rinig ko ang buntong hininga niya mula sa aking likuran. "Kumain ka na ba? I was waiting for you para sabay na tayo," pag-iiba niya ng usapan.

"Nagluto ka?" baling ko.

"Yeah."

"Alam mo ba?" ngisi ko sa kanya at dumiretso sa kusina. Nakahanda na nga ang lahat. Ang kulang na lang ay ang kakain.

Buti na lang at hindi ako kumain kanina sa labas.

Pumunta ako sa sink at naghugas ng kamay.

"Of course," sagot ni Sage na nakasunod.

Nagpupunas ako ng kamay nang hinarap ko siya. "Saan ang lakad mo kanina?" 'di ko napigilang itanong.

Hindi sa nakikialam ako sa kanya. I just want to know. That's all.

"You tell me first kung saan ka nanggaling."

Geez. Ayaw talagang magpatalo.

Hinila ko ang upuan upang kumain na. Ganun din ang ginawa ni Sage. Umupo siya sa kabila. Kumukuha siya ng kanin pero ang mga mata niya ay nakatutok sa akin at naghihintay ng sagot.

"I went to my friend's house," sagot ko upang matahimik na ang kaluluwa niya.

"Friend? Is it a boy or a girl?" nakataas kilay pa niyang tanong.

Binuksan ko ang ulam at agad kumalam ang aking sikmura nang makita at maamoy ang pagkain.

Nag-angat ako ng tingin kay Sage. "Linuto mo talaga ito?" tanong ko at naglagay ng ulam sa plato ko.

"Answer my question first."

"Argh! Babae! Housemate ko siya sa school," inis kong sagot bago sumubo.

"Magkasama na nga kayo sa iisang bahay pero dinalaw mo pa rin?" inis din niyang saad.

Eh anong problema niya doon? Bawal ba?

"Sabrina," he warned when I didn't answer.

"So what? I missed her kaya pinuntahan ko siya. Masaya ka na?" irap ko. Ang sarap-sarap ng pagkain pero sinisira niya.

He laughed sarcastically. "Goddamn lucky. You missed your friend yet you didn't even say that you missed me."

Umawang ang bibig ko sa sinabi niya. He looks serious but the pain in his eyes was visible.

Biglang nanlamig ang tiyan ko. I don't know what to do. Kahapon pa siya nandito sa bahay pero ngayon lang siya magdadrama tungkol sa bagay na iyon?

Inirapan niya ako bago nagsimulang kumain. Gusto kong matawa dahil para siyang babaeng nagtatampo. Paano ko ba sasabihin na sobrang namiss ko siya ng hindi naawkward?

A Glimpse Of Hell (COMPLETED)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin