Chapter 22

31 1 0
                                    

"S-Sino ka?" mahina kong usal. Ang mga mata niya ay sobrang lungkot.

"My name is Hazel."

Nagulat ako dahil sumagot siya. "H-Hazel?"

She nodded. "Hazel Van."

Umayos ako ng umupo sa kama. Ngayon ay magkaharap na kami. Tinitigan ko siya. Hazel Van ang pangalan niya.

Tapos si Hazel ay Vanessa Haze... at ang reaksiyon niya nung inilarawan ko ang itsura ng batang multo.

"Do you know Vanessa Haze?" I want to know kung tama ba ang konklusyon ko na magkapatid sila. They're almost look alike. Mas mataray at masungit ang mukha ni Hazel while this kiddo looks pure and innocent.

"She's my ate." Malawak ang ngiti niya nang sinabi iyon. "And you're my cousin!" dugtong pa niya na bahagyang pumalakpak.

Nalaglag ang panga ko.

"W-What?" Ano raw? Cousin? Magpinsan kami?

"Oh. You don't know?" Lumungkot ang mukha niya at bahagyang lumabi.

Hindi ko nga alam. My dad was only child while my mom.. well, I don't know. I never saw her. Kuya told me that she died upon giving birth to me. What's odd was that wala man lang siyang litrato ni isa sa bahay. I don't know what she looks like. I tried to asked about mom before pero tikom ang bibig nila kuya at papa na para bang ayaw nilang pag-usapan ang tungkol kay mama.

So I grew up without a mother, not even knowing her name. At habang lumalaki ako ramdam ko na merong kulang sa pagkatao ko. There was a missing piece na alam kong mahahanap ko sa mga darating na araw. Unang tapak ko pa lang sa paaralang ito ay ramdam kong marami akong matutuklasan na mga bagay-bagay na konektado sa aking pagkatao.

"It's nice to meet you ate. Pasensya na sa ginawa kong pananakot sa iyo. I thought it's a good way para umalis ka dito."

"Bakit mo ba ako pinapaaalis?"

"It's a long story. At hindi ka pa handa na malaman iyon."

Hinawakan ng maliit niyang kamay ang kamay ko. "Look, semester break is coming. Pwede kayong lumabas dito sa school to visit your families. Grab that opportunity para umalis na dito," panghihikayat niya.

Napaisip ako. Ayaw niyang sabihin kung bakit kailangan kong umalis. Malapit na ang second semester at palapit na rin ang mga kasagutan sa aking mga katanungan.

This girl don't have a valid reason for me to leave and I don't also have a valid excuse to abandon my mission. Kaya hindi ako pwedeng umalis.

"I'll think about it." Yun na lang ang sinagot ko para tumigil na siya. "Paano ka nga pala namatay?" Hindi ko na narendahan ang dila ko at basta na lang yun lumabas sa bibig ko.

Natigilan siya at wala pang isang segundo ay naglaho na siya sa aking harapan.

Natulala ako sandali pagkatapos ay bumuntong hininga. How insensitive if me. I shouldn't asked that question. Base sa itsura niya noong una naming pagkikita ay mukhang karumal-dumal ang pagkamatay niya. Walang kaluluwa ang gumawa nun. How can they kill a lovable child?

Hinilamos ko ang palad sa aking mukha at tumayo. It's 6:42 in the evening at puno pa ng usok sa labas. Sa nangyaring ito ay paniguradong hindi na matutuloy ang event ngayong gabi.

Tumingin ako sa pintuan at kumirot na naman ang puso ko sa nakitang eksena kanina sa sala.

Hindi pa ba siya nakakaalis?

Thanks to Van dahil kahit papaano ay nabaling ang atensiyon ko sa kanya.

Binuksan ko ang laptop na nakalagay sa working table ko. I opened my Facebook account. Walang mensahe si kuya.

A Glimpse Of Hell (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon