Chapter 32

28 3 0
                                    

Nag-uunat ako na naglalakad palabas ng classroom pagkatapos ng huli naming subject. Sakto rin na papasikat na ang araw.

"Ms.Suarez?" anang isang nakamen in black at hinarang ang daan namin.

"Bakit? Anong kailangan mo sa kanya?" mataray na tanong ni bakla at pumagitna sa amin.

Hindi siya pinansin ng lalaki at dumiretso sa akin.

Nagulat ako nang hablutin niya ang braso ko at kinaladkad palayo.

"Hoy! Hoy! Hoy! Ano 'yan?!" si Alex at hiniklas ang kamay ng lalaking nakahawak sa braso ko.

"Is there any problem?" inis kong tanong habang hawak ang brasong namumula dahil sa mariin niyang hawak kanina.

"You are under arrest," aniya na nagpahagalpak ng tawa sa tatlo kong kasama.

"Ano ka pulis?" si Angel na sobrang lakas ng tawa.

Hindi ko alam kung nangtitrip ba ito o ano.

Tatalikuran na sana namin ito nang biglang dumating si Mr. Muscles na Romualdo pala ang pangalan, kasama ang tatlong lalaking malalaki ang katawan.

Pinektusan niya ang lalaking humablot kanina sa akin. "Ayusin mo ang trabaho mo." Pinanlakihan niya ito ng mata.

Kakamot-kamot ang lalaking tumango.

"Pasensya na. Bago lang siya kaya hindi alam ang mga pinagsasabi niya," paumanhin niya.

Kapagkuwan ay nagseryoso siya at naglabas ng posas na nagpataranta sa aking mga kasama.

"Huwag ka nang lumaban Ms. Suarez. Sumama ka na lang sa amin ng mahinahon."

"Anong kagaguhan ito?" galit kong tanong.

Pinagtitinginan na kami ng mga nagsisiuwiang estudyante.

"Alam mo ang kasalanan mo," aniyang lumalapit sa akin.

"Hindi ko alam ang sinasabi mo," giit ko pa rin dahil wala naman talaga akong kasalanang ginawa.

Sinenyasan niya ang mga tauhan nang tangkain kong umatras. Pinalubutan nila ako na dahilan ng pagtitili ni bakla.

"Get her!"

Binitawan ko ang bag ko at bumagsak ito sa sementadong daan.

Sabay-sabay nila akong sinugod. Naging maliksi ang galaw ko at iniiwasan ko ang bawat atake nila. Madaming nanunuod pero walang nangahas na makialam.

Sinangga ko ang suntok na tatama sana sa tagiliran ko. Hinablot ko ang braso nito at ibinalibag sa kasama. I don't want this to be bloody. I don't want the sunrise to be tainted with their blood.

Mabilis kong inagaw ang tumutok na baril sa akin at malakas na hinampas iyon sa batok ng lalaki. Dumaing ang lalaki at bumagsak na walang malay.

"Sabrina!" tili ni bakla na siyang dahilan ng pagkawala ko ng konsentrasyon.

Hawak siya ng lalaki kanina at nakatutok ang isang patalim sa leeg niya.

"Lu–"

Akmang lalapitan ko sana siya nang isang malakas na suntok ang tumama sa likod ko na siyang nagpadapa sa akin sa semento.

"Suarez!" May mga nagtangkang tumulong nang makitang dehado na ako.

"Walang makikialam!" sigaw ni Romualdo.

"Kung sana ay sumama ka ng maayos ay hindi to mangyayari!" He kicked my stomach. Sinabunutan niya ang buhok ko upang itayo. Masama ang tinging ipinukol ko sa kanya. Kung hindi lang nila hawak ang tatlo ay baka nakahandusay na silang lahat sa semento.

A Glimpse Of Hell (COMPLETED)Where stories live. Discover now