Chapter 3

65 6 0
                                    

Nakatayo pa rin ako dito habang pinagmamasdan ang napakatayog na gate.

It looks strong and sturdy.

Malawak din ang nasasakop nito na hindi na kaya pang tanawin ng aking mata ang pinaka dulo. Siguro napapalibutan ng ganitong bakod ang lahat ng sakop ng paaralan at ang tanging pwedeng daanan ay ang gate na nasa aking harapan.

Sa gitna ng gate nakalagay ang malalaking letrang 'I🔱S UNIVERSITY' at sa itaas ng mga letrang yun ay ang napakalaking insignia na kulay ginto.

Parang doon sa envelope, kulay itim at ginto ang theme ng paaralan. Kung titingnan nang mabuti ang ahas, parang may sarili itong buhay. Pulido ang pagkakaukit nito, every scale, the burning eyes and the poisonous fangs.

Bigla kong naalala ang pagturok ng lason sa akin noon dun sa aming head quarters. Mabuti na lang at merong antidote si Kuya na hindi ko alam kung saan niya kinuha. Bago kami bumiyahe, dumaan muna ako sa lab para kunin ang mga antidote na pinagawa ko galing sa sample na bigay ng aking kapatid. Mabuti na yung meron akong gamot kung sakali mang may mangyari.

As for my Dad, nandoon siya ngayon sa Columbia at nasa state of coma pa rin.  Madalang lang siyang umuwi sa mismong bahay namin dito sa Pilipinas dahil doon talaga ang pinaka main ng aming mafia. Alam kong lilipad agad si Kuya papunta doon para siya muna ang mag asikaso sa mga gawain ng aking ama. Siya ang panganay, lalaki pa kaya malamang sa malamang na siya ang sunod na hahawak sa mga negosyo ng aming pamilya.

Bitbit ang malaki kong maleta ay lumakad na ako palapit sa gate.

Napapasintido ako habang sinisipat ito dahil hindi ko alam kung paano ito bubuksan. Ni wala man lang mapagtanungan.

"Kwak! Kwak!"  

Tumingin ako sa itaas.

Madilim ang kalangitan sa mismong tapat ng paaralan at may mga uwak na lumilipad sa himpapawid, ang iba naman ay nakadapo sa tuktok ng gate na parang nagmamasid.

Nabaling ang tingin ko sa gate nang may mahinang langitngit akong narinig.

Biglang gumalaw ang mata ng ahas at tumingin sa akin.

"Shit!"

Napatalon ako sa gulat nang biglang may kamay na sumulpot sa harapan ko mula sa loob ng makapal na gate. Though hindi naman totoong kamay pero nakakagulat pa rin.

The hand was like asking for something.

Hindi man sigurado ay kinuha ko ang invitation card mula sa bulsa ng aking maleta at inilagay doon. Bumalik ang kamay sa loob at sumara ang maliit na butas na linabasan nito kanina.

Ilang minuto lang ang hinintay ko nang manginig ang lupa at unti-unting bumukas ang bakal na gate. Mas mabagal pa sa pagong ang pagbukas nito.

Habang paunti-unti kong nakikita ang liwanag galing sa loob, parang unti-unti rin ako nitong hinihila papasok.

The school was welcoming me...

Nagsimula na akong maglakad papasok pero makikitang may manipis na barrier pang lulusutan bago makapunta sa kabila.

And as soon as my body went through the barrier, like a magic, I  found myself in a bed... panting.. moaning.. and begging, as the man on top of me was moving in a rythm... claiming my mind.. my body.

Napahawak ako sa aking dibdib nang makalusot sa barrier habang mabigat ang bawat paghinga.

What the hell was that?!

Even though medyo fast forward lang ang eksenang iyon, I can feel that my body was on fire.

Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili.

Nang kumalma, tumuwid ako ng tayo at pinagmasdan ang paligid. Parang normal na paaralan kung tutuusin. Trees were everywhere. Nagkalat din ang mga benches sa paligid, parang park lang. Maganda itong tambayan kapag nature lover ka. May mga iilang nakatambay na estudyante habang nagsusulat o nagbabasa ng kung ano. Mostly geeks.

My eyes went to the big castle in front of me. Well, medyo malayo-layo pa ito mula saking kinatatayuan. It was made with a dark bricks. At sa pinakamataas na parte ng gusali ay mayrong itim na flag with the school's insignia on it.

Busy ako sa pagtingin-tingin nang biglang sumulpot ang isang babaeng marikit este babaeng maliit sa harapan ko. Hindi naman ito maliit, matangkad lang talaga ako. Ngiting-ngiti pa ito na parang ngayon lang nakakita ng tao.

"Hi! My name is Soul! Ako ang naatasan para maging tour guide mo sa araw na ito! Pleased to meet you!" magiliw niyang saad sabay lahad ng kanyang kamay.

Inabot ko ang kamay niya at nagpakilala, "I'm Sab---"

"Sabrina Suarez. Yes. Yes," putol niya na may patango-tango pa.

Ayaw ko sa lahat ay yung pinuputol ang sinasabi pero nagtimpi ako at pilit na ngumiti. Isa sa bilin ng aking kapatid ang 'magpakabait' daw sa mga taong makakasalamuha ko para mas madali akong makakalap ng mga impormasyon.

"I'm impressed you know my name," ngiti ko at marahang hinila ang kamay dahil parang ayaw na niyang bitawan iyon. Tulala pa siyang nakatitig sa akin. Tss. Tomboy ba ito? Pinitik ko ang aking daliri sa harap ng kanyang mukha. Kumurap-kurap siya at ngumisi.

"He he. Pasensya ka na," paumanhin niya. "Bukod kasi kay Agatha, kakaiba rin ang taglay mong ganda. Nakakabighani," dagdag pa niya.

Umikot lang ang aking mga mata sa sinabi niya.

"Sinong Agatha?" tanong ko. Hindi ko alam pero biglang kumulo ang aking dugo pagkarinig ng pangalang iyon.

"A fourth year student. Siya ang head ng 'S'," sagot niya.

" S? " tanong ko pa ng nakakunot ang noo.

Umilap ang mga mata niya. "A-Ah wala. Halika na," bale wala niya sa tanong ko at hinila na ako para maglakad.

"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko kanina. Paano mo nalaman ang pangalan ko?"

"I'm already instructed, I mean everyone was instructed na may transferee at ako ang naatasang mag tour sayo at ang maghahatid sa iyong kwarto,"  paliwanag niya.

"Everyone? You mean buong school? Para saan?" nagtataka kong tanong.

"Para saan pa eh di para makilala ka nila," sagot niyang hindi tumitingin sa akin.

Tumigil kami sa harap ng pintuan ng malakastilyong gusali. Binitiwan niya ako at itinapat ang ID sa scanner at bumukas ang pintuan. Akala ko kung loob ng building ang sasalubong sa akin pero isang mahabang tunnel at mga torches lang sa dingding ang nagsisilbing ilaw. Nauna na siyang maglakad.

"Bakit may tunnel dito?" takang tanong ko habang pinagmamasdan ang mga letrang nakaukit sa mga pader na aming nadadaanan. Hindi ko man masyadong maaninag but I can tell that the letters were scripted in Greek and Roman.

"It's a passage," yun lang ang sagot niya. One scan again and as the door opened, I feel like I am in a different world.

Inilahad niya ang kamay sa aming harapan at matamis na ngumiti bago nagsalita.

"Welcome to I🔱S University. A school where you can fufill your fantasies."

A Glimpse Of Hell (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon