Chapter 12

48 3 0
                                    

bear with me guys pero slight spg again.  😂
**

Pagkatapos ng meeting ay umuwi agad ako dahil wala naman akong gagawin pa doon. Dumiretso agad ako sa kusina at naabutan ko si Soul na nagluluto.

Nangangamoy ginisang bawang at luya ang buong kusina. Pagkakita ko ng mga rekados sa lamesa ay alam ko na agad kung ano ang linuluto niya.

"Hi!" bati niya nung nakita ako. "Sorry hindi ko agad nasabi na half day lang ang klase ngayon. Ang aga mo kasing umalis."

"It's fine."

Inilagay ko ang bag sa isa sa mga upuan. Kumuha ako ng peeler at hinarap ang mga patatas sa lamesa. Mamaya na lang ako magpapalit.

"Ang aga mo atang magluto?" baling ko sa kanya.

"Wala lang. Wala kasing magawa," sagot niya habang ang buong atensyon ay nasa kanyang niluluto.

"Bakit ka nga pala napadpad sa paaralang ito?" tanong ko kahit na obvious na ang sagot.

Natigilan siya saglit bago nagsalita.

"Hindi ako pinanganak na mayaman tulad mo. Ang nanay ko ay madami ng karamdaman at ang kapatid ko naman ay bata pa." Tumingin siya sa akin. "Alam mo yun, kahit ayaw kong lumayo sa kanila ay wala akong pagpipilian. Kailangan kong makakuha ng matataas na grado para may maipadala ako sa kanila," pagkukwento niya na hindi ko inaasahan.

Totoo nga siguro ang sinasabi nila na kapag masayahin kang tao ay gabundok naman na problema ang pasan mo.

"And your father?" hindi ko napigilang itanong. May pagkatsismosa rin kasi ako minsan eh.

Wala siyang imik. Nang balingan ko siya ay tulala siyang nakatitig sa linulutong manok.

Dinala ko sa lababo ang binalatan at hiniwang patatas para hugasan pagkatapos ay tumabi ako kay Soul para ibigay ang mga ito.

"Yang niluluto mo nasusunog na," pukaw ko sa kanya.

"Ay!" Bumalik ang kaluluwa niya sa kanyang katawan at agarang hininaan ang apoy.

Nagpaalam ako at umakyat na sa kwarto para magbihis.

Matanong ako na tao pero alam ko rin ang aking limitasyon.

I removed my school ID and blouse while casually walking. I'm only wearing my tube top but that doesn't concern me.

Pagbukas ko ng pintuan ay bigla na lang may tumakip sa aking bibig at hinila ako papasok sa loob ng aking kwarto.

Nagulat man ako pero mabilis kong iniuntog ang likod ng ulo ko sa mukha ng akyat-bahay at agarang siniko ang kanyang sikmura. Narinig ko ang mahinang pagdaing nito kasabay ng pagluwag ng hawak sa akin.

Hinablot ko ang vase na nasa malapit at akmang ihahampas ko na ito sa ulo ng estranghero nang mamukhaan ko ito.

"What the hell are you doing here Jameson?!" singhal ko na bahagya pang hiningal dahil sa adrenaline rush.

"Are you going to kill me?!" singhal din niya sa akin pabalik hababg hawak ang dumudugong ilong.

At may gana pa talaga siyang sigawan ako eh siya nga itong pumapasok sa kwarto ng may kwarto.

Sapo niya ang ilong na umupo sa aking kama. Kumuha siya ng tissue doon sa aking mesa at pinahid ang dugo sa ilong niya. Feeling at home ang loko. Nakasuot pa siya ng uniform at ang mga manggas nito ay magulong nakatupi sa kanyang braso. Wala na rin ang necktie niya.

Sumandal ako sa pintuan at humalukipkip. "Saan ka dumaan at anong ginagawa mo dito?"

Binato niya ang mga tissue'ng ginamit sa trash bin bago ako hinarap. Itinuro niya ang sliding glass door sa aking veranda na nakabukas. Nasa labas ang black shoes niya.

A Glimpse Of Hell (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon