Chapter 4

65 6 0
                                    

"Woaahhh.."

Namamanghang inilibot ko ang aking mga mata sa mga nagtatayugang mga gusali sa aming harapan. Feeling ko ay nasa Gotham City ako. With the gray sky and the combination of dark and gold infrastructures, everything was Gothic.

Naibagay din ang mga punong nakahilera sa daanan, wala itong dahon, puro mga bulakalak na ang kulay ay crimson red.

"Well you see, nahahati sa anim na level ang University. This is level 3. Ang school buildings," agaw niya sa aking pansin.

"Anim na level?" tanong ko.

"Oo. Level 1 yung park at level 2 naman yung castle."

Regarding that one, magtatanong sana ako pero may isang humaharurot na cab ang biglang tumigil sa harapan namin.

"Hi Soul!" Matamis na ngumiti ang lalaking driver sa kasama ko na inirapan lang nito.

Bumaba ang lalaki at lumapit sa akin.

"Hi beautiful," bati niya saka walang sabing kinuha ang kanang kamay ko at marahang hinagkan.

Bahagya pa akong nagulat sa bilis niyang pumorma.

What the— Sino ba ito?

Tinampal siya ni Soul. "Itigil mo nga yang mga kalokohan mo Clark. Ano bang ginagawa mo dito?"

Natatawang binitawan ng lalaki ang kamay ko. Akala ko ay lalayo na siya sa akin pero lalo lang siyang lumapit at inakbayan pa ako.

"Wala akong klase ngayon eh kaya nagmagandang loob na ako na maging driver niyo," paliwanag niya.

"Mga palusot mong bulok," sagot naman ni Soul na nakahalukipkip.

Aba! Kung makapag-usap ang mga ito ay parang wala ako dito ah.

Tumikhim ako at marahang tinanggal ang braso ng lalaking ito sa aking balikat. Ano nga ulit pangalan niya? Twerk? Lumayo ako ng konti sa kanya at nabuburyong na tiningnan si Soul.

"Naku pasensya ka na Sab dito sa isang to. Manyakol talaga yan."

Lumapit na naman itong si Twerk at umakbay ulit sa akin. Sino ba kasi itong bugok na ito at kung makalingkis ay parang linta?

Sa inis ay siniko ko na siya sa kanyang tagiliran.

"Ouchhh!" Maarteng reaksyon niya kahit hindi naman ganon kalakas. Nakahawak pa sa tiyan na akala mo naman ay nasaksak.

"Yan ang bagay sayo," tawa ni Soul.

"What a brutal lovely lady," natatawa niyang saad. Inihanda ko na ang aking kamao nang makitang palapit na naman siya.

"Woah! Easy darling. Kukunin ko lang yang maleta mo," aniya at itinaas pa ang mga kamay.

Pinagtitinginan na kami ng mga ibang estudyante.

Napailing na lang ako habang sumasakay sa cab habang si Soul naman ay tawang-tawa. 4 seater ang sasakyan. Ako sa likod kasama ang aking mga maleta at si Soul naman sa harap katabi si Twerk.

Umusad na ang sasakyan sa mabagal na takbo, parang nagtotour talaga. Nag-uusap ang dalawa sa harapan habang ako naman ay busy sa pagtingin sa labas.

Ang mga estudyanteng aming nadadaanan ay napapatingin sa amin lalong-lalo na sa akin. Iniisip siguro nila na ako yung transferee dahil sabi ni Soul na alam ng lahat.

School buildings, cafe, computer shop, restaurants, food stalls, gymnasium, swimming pool, wide field etc ang makikita sa level 3, a typical school campus.

"This is level 4. The villas," ani Soul pagkalagpas namin sa border.

"Villas? I thought students are staying in a dorm?" mangha kong usal.

A Glimpse Of Hell (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon