Chapter 17

39 1 0
                                    

Spg (contains violence, vulgar words and dark theme)

Naghihilahan kami ni Hazel dito sa backstage. Ayaw ko kasing tanggalin ang roba na suot ko. Gusto ko na lang mahimatay para may reasonable excuse ako.

"Pwedeng magback out?"

Pinandilatan niya ako ng mata. "No!"

"Wait, I think I'm having a heart attack." Sinapo ko pa ang dibdib at umaktong hindi makahinga.

"Cut it out. Hindi bagay sa'yo yang ginagawa mo," aniyang tumatawa.

Umayos ako ng tayo. Peste. Pagtawanan ba naman ako?

Sa totoo lang ay buo na ang desisyon ko. Kanina kasi nang papunta kami dito sa gym ay ang daming mga business students ang nagsasabi ng goodluck at galingan niyo sa amin na gaganap sa stage play.

Ayaw ko naman silang biguin dahil mabait ako, I mean mabait sila. Noong first day ko dito ay sina Lucy lang ang kinaibigan ko dahil ayaw ko ng mga taong plastic pero sa araw-araw na pumapasok ako ay madami na akong nakilala. Mapa seniors, sophomores or freshman. Mababait lahat at very approachable. Hindi nila ako binully katulad ng mga nababasa ko sa mga libro kapag may mga transfer student. And I'm grateful that I take the risk to know them better.

Kasi ang takot ay nasa ating mga isipan lang. It's all up to us if we will let that feeling eat us. Getting out of our comfort zone was hard but the outside world was tougher so if we want something new, we must conquer that fear. Fight it and defeat it. And I'm glad that I did that.

Kaya ang sama ko naman kung hindi ko gagawin ang best ko diba? And to be honest, kung gugustuhin ko talaga na hindi pumunta dito ay hindi talaga ako pupunta at wala silang magagawa kahit na si Hazel pa 'yan.

Masigabong palakpakan ang narinig mula sa mga audience bago isa-isang bumalik dito sa backstage ang mga taga architecture students. Malawak ang ngisi ni Agatha na siyang pang huling pumasok. Nagawa pa ngang batiin si Hazel.

"Iyan ang pambato mo?" Tiningnan pa niya ako mula ulo hanggang paa. Tinaasan ko siya ng kilay. Tss. Mukha lang siyang kalyo ng paa ng kabayo.

"Matatalo ka lang niyan sis," eksaherada niyang turan kay Hazel.

"No one's asking your opinion so keep it to yourself. Get lost. I don't wanna get infected with your disease," malamig na turan ni Hazel. Wala na ang mapang-asar niyang mukha.

Nabura ang ngisi ni Agatha. Her face started to get dark. Hinanda ko ang aking sarili dahil baka kung ano ang gawin niya.

"What? You'll start a fight? Go on! Unless you want the whole campus to know your dirty little secret. You want that? Huh? Sis?" hamon ni Hazel sa malademonyong ngisi.

Nakamaang lang ako sa kanila. Geez. I never thought that Hazel has this kind of personality!

Pumula ang buong mukha ni Agatha sa pagtitimpi ng galit. "Pasalamat ka dahil may alas kang laban sa akin pero ito ang tatandaan mo, may araw ka rin sa akin Vanessa." Bumaling siya sa akin. "Pati ikaw." Dinunggol pa niya ako sa balikat bago umalis.

"What's her dirty little secret?" hindi ko napigilang magtanong. I've told you before, I'm a gossip sucker.

Kunot noong tumingin sa akin si Hazel. "Huwag kang chismosa. Alamin mo. Magaling ka naman dun diba?" makahulugan niyang turan sa akin na para bang kilala ako.

If Agatha has a dirty little secret, I can smell that she has too.

"Business department you're next. We'll give you 10 minutes to prepare," pukaw ng event organizer.

A Glimpse Of Hell (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora