Chapter 11

47 3 0
                                    

Maaga akong nagising kaya pinili ko na lang na maglakad papunta sa aking klase. Hindi rin ako nag-aalala sa init dahil lagi namang makulimlim ang kalangitan dito.

Kaunti lang ang tulog ko kagabi dahil baka maulit uli yung nangyari pero sa kabutihang palad ay hindi na.

Sinipa ko ang maliit na bato sa aking daanan. Sinundan ko ito ng tingin nang lumipad ito ng malayo.

Napatalon ako nang may humablot sa headset na nakapasak sa aking tenga. Paglingon ko ay nakita ko sina Lucy na nakataas ang kilay.

"Kanina ka pa namin tinatawag. Akala ko ay nabingi ka na," aniya saka binigay ang tinanggal na headset.

"Sorry," paumanhin ko. "Anong ginagawa niyo dito?"

"Hindi ba obvious girl? Naglalakad malamang," sagot ni Angel.

Pilosopo 'tong babaeng to ah. Sarap ibalibag.

"Naglalakad kami araw-araw papuntang level 3. Mas maganda na ito kesa naman sasakay pa kami. Nakakasawa," paliwanag ni Alex habang sinisipat niya ang mga kukong bagong manicure.

Hay. Buti na lang at may matino pa sa kanilang tatlo.

"Sumabay ka nalang sa amin kung maglalakad ka para di ka naman mag-isa," alok pa niya.

Hmm. Why not? Mukhang mas enjoy ang ganito.

Nagsimula na ulit kaming maglakad sa malawak na kalsada. Halos kami lang ang naglalakad dahil lahat ng mga estudyante ay pumapara sa mga cab papuntang level 3.

"Lucy," tawag ko kay bakla.

"Yes?" Pinikit-pikit pa niya ang mga mata upang ipakita ang kanyang pekeng pilikmata.

"Bakit mo nga pala naitanong kahapon kung naniniwala ako sa Incubus?"

I think it's safe now to ask dahil kami-kami lang naman dito sa kalsada. Alam kong meron silang alam at kaya nilang sagutin ang aking mga katanungan.

"Ahm. Wala lang."

"Because I think it's true. I've seen one last night," sabi ko habang diretso ang tingin sa daan.

"What?!" reaksyon nilang tatlo habang nakamulagat.

Agad na lumapit si bakla sa akin at inispeksyon ako. Tinaas-taas pa ang aking mga braso, hinawi ang aking buhok at pinaikot-ikot ako.

Nahilo ako kaya sinapak ko siya. Anong tingin niya sa akin? Trompo?

Hinimas-himas niya ang kanyang baba, nag iisip.

"Hindi pa naman Incubus and Succubus festival ah," bulong niya sa sarili.

Ano raw? Festival?

Naglakad ulit kami habang nag-uusap.

"Anong itsura nung lalaki?" takang tanong ni Angel.

"I don't know. Ang natatandaan ko lang ay hubad siya. He's face was blurry kaya hindi ko alam ang itsura niya," paliwanag ko.

Natutop nilang tatlo ang kanilang mga bibig habang gulat na gulat na nakatingin sa akin.

"The Incubare!"

Incubare?

"Are you okay?" seryosong tanong ni Alex. "What did you feel after you wake up?"

"I feel tired. Said na said ang lakas ko. Yung pakiramdam ko doon sa aking panaginip ay ganun din nung pagkagising ko pero wala man lang bakas ni isa sa aking katawan na nangyari nga iyon," salaysay ko.

Magsasalita sana si Angel nang pigilan ito ni bakla.

"Wait. Did you two.." Pinagdikit niya ang dalawang hintuturo. "You know.." aniya na may bahid ng ngisi ang kanyang labi.

A Glimpse Of Hell (COMPLETED)Where stories live. Discover now