Chapter 29

30 4 0
                                    

Mabilis kong pinaharurot ang aking big bike at tinalunton ang daan pabalik sa school. Tapos na ang sembreak. Natapos na rin ang mga maliligayang araw ko kasama si Sage.

Paggising ko kaninang umaga ay wala na siya. He left me dumbfounded. After what we did ay ganun-ganun na lang, iiwan akong mag-isa sa kama. Hindi man lang ako ginising o nag-iwan ng note kung bakit siya umalis ng maaga. Nakakasama ng loob sa totoo lang.

Agad akong nagpreno nang may isang usa ang biglang lumitaw sa daan. Tumigil ito at tumingin sa akin ng ilang saglit bago nagpatuloy sa paglalakad na parang wala lang at tinawid ang kalsada patungong kabila.

Napabuntong hininga ako dahil doon. Relax na relax ang usang yun samantalang muntik na siyang masagasaan at muntik na akong madisgrasya. Tss.

Habang nagdadrive ako ay naramdaman kong parang may nagmamasid sa akin.

Tiningnan ko ang side mirror kung may nakasunod ba sa akin sa likod pero wala naman.

Puro kakahuyan ang aking nadadaanan at ang kaunting siwang lang ng init ang siyang nagbibigay liwanag sa madilim na daan. Malamig din ang paligid at basa ang dahon ng mga kahoy pati na ang lupa.

Binagalan ko ang aking pagpapatakbo nang biglang bumigat ang upuang likod ng aking bike na para bang may nakiangkas sa akin.

Nagsitayuan ang mga balahibo sa aking braso sa isiping merong nakisakay na hindi nakikita. Ipinagsawalang bahala ko ito at nagfocus sa pagmamaneho dahil baka mabangga pa ako sa nerbyos.

Tumigil ako nang makita ko ang dalawang daan na magkaiba ang direksyon.

Hindi ko matandaan kung kanan ba o kaliwa. I followed my instincts and turned left. Nakahinga ako ng maluwag nang nawala na ang nakasakay sa aking likuran pero ang pakiramdam na may nagmamatyag ay nandun pa rin.

Mula sa gilid ng aking mata ay nakita ko ang mabilis na pagdaan ng isang anino kasabay nun ang paglitaw ng isang matandang babae sa gitna ng daan.

Shit! Napapreno ako dahil sa gulat.

Mukha siyang ermetanyo dahil sa haba ng buhok. Kapansin-pansin ang makinis niyang balat pero ang mukha naman niya ay kulubot na.

Wala siyang kagalaw-galaw na nakatitig sa akin. Kinikilabutan ako sa gubat na ito. Mukhang kuta ito ng mga maligno, engkanto at masasamang espirito.

Liliko na sana ako pabalik nang biglang naging bolang apoy ang matanda at nagsalita.

"~Follow me... Follow me. To the truth I'll be your guide. ~ Deepest secret will unfold, so follow me. ~ " kanta ng bolang apoy.

Natigilan ako ng ilang saglit saka bumaba sa motor at sinundan ito.

Kahit natatakot ako sa nangyayari ay may nag-uudyok sa akin na sundan ito. Kumakanta-kanta pa ito na parang natutuwa sa pagsunod ko.

I have my gun with me but I doubt if it will work with this kind of enemy.

Lumalangitngit ang mga tuyong sanga na aking naaapakan. Kumakapit din ang putik sa suot kong boots.

Iginala ko ang paningin sa paligid dahil nagkalat ang mga baging na nakasabit sa mga sanga. A perfect place for camouflage.

I turned around when I heard a hissed on my back. I saw a long and brown snake.

Showing it's fangs, it is ready to attack.

Bago pa ako makailag ay biglang nagliyab ang katawan ng ahas. Bumagsak ito sa lupa na naglulupasay habang nasusunog. Muling bumalik sa tinatahak na daan ang bolang apoy matapos sunugin ang ahas.

Ilang minuto rin ang nilakad ko bago kami makarating sa isang ilog. Tumawid ako sa nabuwal na kahoy na nagsilbing tulay upang makapunta sa kabila kung saan nakatayo ang isang maliit na kubo na pinaglumaan na ng panahon.

A Glimpse Of Hell (COMPLETED)Where stories live. Discover now