Chapter 15

41 1 0
                                    

Mabilis ang mga lakad ko palabas ng department store. Hindi ko alam kung nakasunod pa siya sa akin o ano.

Upon giving the paper bag, I went out immediately. I didn't have the time to thank him for what he did.

Madaming katanungan ang tumatakbo sa isipan ko. Katanungan na mahahanap ko sana kung kumilos ako noon pa. I admit that I forgot the reason why I'm here.

Mahirap mang aminin pero nag-eenjoy ako sa lugar na ito. The ambience here is different. Nakakatakot na nakakahalina. Kung may problema ka o mga bumabagabag sa iyo, sa isang iglap lang ay mawawala agad ang mga ito. Napapawi lahat ang mga alanganin mo. Malilimutan mo ang lahat at ang tanging magagawa mo lang ay mag enjoy.

Go with the flow ika nga nila.

Nawala ako sa landas at nakalimot ako ng hindi ko man lang namamalayan. Kumuyom ang kamao ko. I literally don't know what's going on with this school. I suddenly remembered what Jayden told me, that all my questions will be answered once we enter the next semester.

Well, I can't wait for that day.

Napahawak ako sa ilalim ng kanan kong dibdib nang bigla itong kumirot pero agad ding nawala. Doon ko rin naalala na hindi pala ako nakakuha ng nipple tape. Tss. Nakakainis.

Pumihit ako pabalik para lang mauntog sa isang matigas na bagay. Mali. Hindi bagay kundi katawan. Agaran niya akong hinawakan sa likod ng aking bewang upang hindi ako matumba.

Pag-angat ko ng aking tingin ay sumalubong sa akin ang salubong na kilay ni Sage. He's really damn handsome. Naisip ko tuloy, ang swerte ng Agatha na iyon dahil may boyfriend siyang ganito kaperpekto.

Bumitaw ako sa pagkakahawak niya. "Thanks for this," wika ko sabay taas ng paper bag na hawak ko.

Mula sa akin, bumaling ang tingin niya sa hawak ko. "You're going to wear that? For what?" kunot noo niyang tanong.

"For the stage play."

"For what?" ulit niya. Ang boses niya ay may himig ng babala na sinasabing kapag magkamali ako ng sagot ay malalagot ako.

"F-For the.. stage play?" alanganin kong sagot dahil dumidilim na ang kanyang mukha.

Pagkasabi ko nun ay padaskol niyang hinablot ang hawak kong paper bag. Hindi ako nakahuma nang punitin niya ang paper bag at pinag pirapiraso ang maliit na tela na laman nun. Kumalat ang mga iyon sa sahig.

W-What the...

"You're not allowed to wear this in front of everyone aside from me!" aniya sa mapanganib na boses. He's mad. "Got that?"

Naumid ang dila ko sa ginawa niya. Nakakatakot ang aura niya kaya bahagya akong napaatras palayo sa kanya.

Umigting ang panga niya at madiin na hinawakan ang isa kong braso.

"Answer me goddamn it!" sigaw niya sa aking mukha.

Nangangatal ang aking labi dahil sa takot. Wala naman akong nasabi at nagawang mali sa kanya ah? Meron ba?

Nanunuot ang mga daliri niya sa higpit ng hawak sa akin. Halos mabali na ang braso ko.

My tears fell all of a sudden.

What a traitor.

Mukhang natauhan siya dahil unti-unting lumuwag ang pagkakahawak niya sa aking braso. Sinapo ko ito dahil sobrang sakit.

"Fuck!" malutong niyang mura.

Sage frustratedly comb his hair before approaching me.

"Sshhh. I'm sorry.. I'm so sorry. I didn't mean to hurt you," pag-aalo niya. Wala na ang mabagsik niyang aura. Napalitan na yun ng pagsisisi at pag-aalala.

A Glimpse Of Hell (COMPLETED)Where stories live. Discover now