Chapter 47

27 3 0
                                    

"Sige lang. Kaunti pa. Lalabas na," anang isang matanda sa pinapaanak na babae.

Naroon ang mga ito sa isang magarbong silid at hindi sa hospital. Sa gilid ng kama ay isang lalaki na nakahawak sa kamay ng babaeng nanganganak.

"Ahhhhhhhhhhh!" mahabang ire ng babae. Hingal na hingal ito at hirap na hirap.

"Sige pa. Malapit na. Isa na lang."

Mahigpit na humawak ang babae sa kamay ng asawa saka huminga ng malalim. Isang mahaba at malakas pa na pag-ire at lumabas na ang bata na umiiyak.

"Napakalusog na bata!" natutuwang wika ng matanda habang pinupunasan ang bagong panganak na sanggol. Bakas din sa mukha ng mag-asawa ang labis na tuwa.

"Pero teka- ano ito?"

Nataranta ang mga ito nang pumalahaw ng iyak ang sanggol habang umiilaw ang kanang bahagi ng diddib nito.

"M-Manang Rosing, ano pong nangyayari sa anak ko?" naluluhang wika ng babae. Kahit pagod ito ay sinubukan nitong umupo. Naging maagap ang asawa nito at agad itong inalalayan.

Bumukas ang pintuan sa silid. "Pa-"

"Sage, huwag kang papasok!" anito sa batang lalaki na akmang papasok sa loob.

Bakas sa mga asul na mata ng bata ang pagtataka habang nakatingin sa sanggol pero sinunod pa rin nito ang utos ng ama at isinara ang pintuan.

"Ang anak ko manang Rosing!"

"Jusko!" bulalas ng matanda. Napapaso nitong binitawan ang sanggol at bahagyang lumayo dito.

"Bakit po Manang?" nag-aalalang tanong ng asawang lalaki at lumapit sa sanggol na patuloy pa rin sa pag-iyak.

"Huwag kang lumapit!" pigil ng matanda. "Ang batang iyan," turo nito sa sanggol. "Ang anak niyo ay isang itinakda! Ang markang iyan ang magdadala sa inyo ng kamalasan!" bulalas nito sa markang gumuguhit sa balat ng sanggol.




🎶Happy birthday to you
Happy birthday to you
Happy birthday, happy birthday
Happy birthday to you!
One more candle to light
On your birthday cake
Hope your wishes all come true
Now let's celebrate. 🎶

Nagmulat ako ng mata nang marinig ko ang ringtone na iyon. It's a chipmunk version.

🎶Happy birthday to y-

Pinatay ko na ang ringtone at bumangon mula sa kama. Tumingin ako sa labas at sakto pa lang na papalabas ang haring araw.

Today is my birthday. I barely check the calendar. Ang mahalaga lang sa akin ay ang araw at gabi. I never tracked the date dahil wala namang importanteng araw para sa akin. I've only set that ringtone to remind myself that I was born, not to celebrate.

Ito ang araw na ipinanganak ako at ang araw na pagkamatay ng aking ina.

The day of life and death.

Tumunog ang cellphone ko at nakatanggap ako ng mensahe galing kay Zeke.

"Happy birthday princess."

Bahagya akong napangiti. Tatlong sunod-sunod na mensahe ang natanggap ko galing kina bakla na binabati ako.

"Happy birthday Sabrina! More birthdays to come!" Galing iyon kay Alex at may mga torotot at confetti pa. The usual way of greeting.

Sunod kong binasa ang galing kay Angel.

"Happy happy happy birthday, sa'yo ang pulutan, sa'yo ang inumin pati na hugasin. Hahaha! Happy birthday Sab!" Tuluyan na akong napangiti sa pabati ni Angel na may mga alak-alak pang sticker.

A Glimpse Of Hell (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon