Chapter 9

47 3 0
                                    

Lakad takbo ang ginawa ko dahil sobrang late na ako sa sunod kong klase. Napasarap kasi ang kwentuhan namin kaya hindi namin namalayan ang oras. Muntik pa akong matapilok sa hagdan dahil sa pagmamadali. Nakakainis lang dahil ang yaman-yaman ng paaralang ito pero wala man lang elevator! Nasa 4th floor pa naman ang next class ko. Tss.

Hingal na hingal ako pagkatapat sa pinto ng 4A room. Huminga muna ako ng malalim bago kumatok ng tatlong beses at marahang pinihit pabukas ang pintuan.

The sound of creaking door gets the attention of the engineering students inside the room. Napaangat ang ulo nilang lahat mula sa pagsusulat sa kani-kanilang mesa at tumingin sa akin.

Fuuudge. Nakakahiya.

Pumasok na ako at dahan-dahang isinara ang pintuan nang magsalita ang prof namin.

"I guess I already know why you're late."

I faced our prof just to be welcomed with her warm smile. Phew! Akala ko matandang dalaga na naman dahil paniguradong sermon ang aabutin ko kung nagkataon.

And she's young. I think she's in her late twenties.

May kinuha siyang tissue sa table niya at lumapit sa akin. Ang ganda ng ngiti niya.

"You have something on your uniform." Turo niya sa neckline ng damit ko. "Is that.." naningkit ang mata niya habang tinitingnan ang kung ano mang meron sa uniform ko. ".. banana cue?"

"Oh!" Singhap ko nang rumehistro sa utak ko ang sinabi niya.

Putragis. Meron pa pala akong hindi natanggal mula sa naibugang banana cue kanina.

Agad kong kinuha ang tissue na inialok niya at tinanggal ito.

Ngumiti ako sa kanya. "Thanks Ms. Vasquez."

Mahina siyang tumawa. "Don't be too formal. Just call me Anne," ngiti pa niya.

Marahan niya akong hinila sa tabi niya bago humarap sa klaseng kanina pa nanunuod sa amin.

"Everyone, this is Sabrina Suarez from business management," pakilala niya sa akin. "Be nice to her," bilin pa niya.

Ang galing! Siya na ang nagpakilala sa akin. Hindi ko na kailangang magsalita pa.

Pilit akong ngumiti sa kanilang lahat at may iba pang sumisipol na agad namang sinuway ni Ms. Anne.

"Yow Sab!" sigaw ni Jameson mula sa likod habang kumakaway. So, engineering ang course niya.

"Sige na. Maupo ka na. May isa pang bakante dun sa likod," turo niya sa upuang katabi ng bintana at banda kung saan nakaupo sila Jameson at mga barkada ata niya.

Nagsimula akong maglakad at bumagal ito nang mag-angat ng mukha ang lalaking nakasubsob ang mukha sa lamesa kanina.

Sumandal siya ng upo at pinagmasdan ako habang naglalakad palapit sa kanyang pwesto.

Lantaran niya akong tiningnan mula ulo hanggang paa.

Damn...

Hindi ko alam pero parang sinisilihan ang pakiramdam ko dahil sa mga titig niya. Kung bakit ba kasi sa harap pa niya ang bakanteng upuan.

Iniiwas ko ang tingin sa kanya at tumingin na lang kay Jameson na ngiting-ngiti sa kanyang tabi.

"Hindi ako makapaniwala na magkaklase pala tayo," magiliw niyang sabi pagkaupo ko.

Binalingan ko siya. "I never thought that you are taking civil engineering."

"You're interested?" ngisi niya.

"Shut up Eric. You're annoying," sita ng lalaki sa likod ko. Nang balingan ko siya ay seryoso ang mukha niyang nakatingin sa harapan.

Problema niya?

A Glimpse Of Hell (COMPLETED)Where stories live. Discover now