Chapter 44

29 3 0
                                    

"I can go back to normal? How?" I asked in disbelief.

Katatapos lang naming kumain at may inilabas siyang isang baso na naglalaman ng berdeng inumin.

"I have the cure but you need to go through excruciating pain. Kaya mo bang tiisin ang sakit ng ilang oras?" aniya at sumulyap sa akin.

Kung meron naman palang paraan para bumalik ako sa dati ay titiisin ko ang lahat. I don't have to waste my life living in this gloomy house.

"Drink this. It will at least ease the pain," aniya at inabot sa akin ang baso.

Kinuha ko iyon at inamoy. Malansa ito at nakakasuka.

"Don't smell it," suway niya.

Mariin kong ipinikit ang aking mga mata saka inisang lagok ang laman ng baso. Tinakpan ko ang aking bibig nang makaramdam ako ng pagsusuka. Sobrang pait. Mahapdi rin ito sa tiyan.

"Go to bed. Hintayin mo ako doon," aniya saka lumabas ng bahay kahit umuulan.

Habang naghihintay ako sa kanya ay napaisip ako. Saan niya nakuha ang gamot? Did she make it? Posible dahil mukha siyang albularyo.

Medyo natagalan siya sa pagbalik kaya napaidlip ako.

"Sabrina.." tawag sa akin ng isang boses.

Luminga-linga ako pero wala akong makitang tao.

"Sabrina.." ulit ng boses na papalapit.

"Sino–"

May bumulong sa akin mula sa likod. "You can't run away from your destiny."

Nanayo ang balahibo ko sa lamig ng boses nito.

"Wha–"

Paglingon ko sa aking likod ay naabutan ko ang nakangising mukha ng kapatid ni Sage. Gone her angelic face. She's grinning like a devil.

"You can hide.." pakanta niyang wika habang unti-unting naglalaho sa dilim. "..but you can't run."

Pagmulat ko ng aking mata ay naabutan ko si Wrinky na ginagapos ang aking mga paa sa dulo ng kama.

What the?!

Ngayon ko lang rin napansin na nakagapos na ang magkabila kong kamay!

"What are you doing?!" singhal ko.

"I'm tying you up," kasawal niyang sagot.

Nang matapos siya sa ginagawa ay tumayo siya sa tabi ko at tinitigan ako.

"Anong napanaginipan mo?" tanong niya.

"It's not a dream. It's a nightmare."

Tumango-tango siya. "That's good." aniya bago tumalikod. "It takes a lot of courage and fighting spirit to wake up from nightmares."

Itinigil ko ang walang lakas kong pagpupumiglas. I'm so weak, I'm just draining my energy.

"And I think, you're ready for this," wika niya at biglang humarap.

"W-What's that?!" I asked, startled.

"This is the cure," nakangisi niyang wika.

"A-Ano?!" Nagimbal ako. "Stay where you are!" sigaw ko nang humakbang siya palapit.

Tumawa siya. "Akala ko ba ay gusto mong gumaling?"

"Hell no!"

Damn. Is she serious?! She's holding a big syringe with some dark liquid inside of it and.. worms! Many worms! They are alive and excitedly swimming on the liquid!

A Glimpse Of Hell (COMPLETED)Where stories live. Discover now