Chapter 2

96 7 0
                                    

"Or else you'll lose head."

Dinig ko pa rin ang bantang iyon ng kapatid ko sa aking isipan.

Nandito ako sa veranda ng aking kwarto. Nakaupo habang pinapanuod ang mga tauhan namin na nagbabantay sa paligid ng mansion.

I sipped my coffee. It's 11 in the evening yet here I am, drinking my frustrations out. At sino ba naman ang makakatulog pagkatapos kang bigyan ng misyon at consequences na nakakahibang?

I will be sent to school, iyon ang sabi ng kapatid ko. Kaya nga ako nag ho-home schooling dahil ayaw kong makihalu-bilo sa mga tao pero heto at itatapon niya ako sa paaralan? Bilib na talaga ako sa galing ng kapatid ko. Pupunta raw ako doon sa ayaw at sa gusto ko.

Isang buwan na ang lumipas simula nang pasukan kaya bukas na bukas din ay ihahatid na ako ni Kuya. I will be a transferee. Base sa curriculum na kinukuha ko ngayon, I should be a fourth year college pero iniayon nila ang edad ko kaya sa third year ako. I'm taking business management kasi iyon naman talaga ang dapat. Kailangan kong tulungan ang aking kapatid sa pamamalakad ng mga businesses namin.

Tiningnan ko ang school invitation na bigay ng Kuya ko kanina. It looks enchanted, kinda expensive for a simple invitation.

Mula sa gold na envelope, it was wrapped with a dark veins and sealed with infinity snake symbol. That insignia. I can't be mistaken. Ito ang markang nakita ko sa left wrist ng mga taong umatake sa head quarters namin. Ang pinag kaiba lang ay yung kulay nila. Red snake itong nasa seal while black naman dun sa mga bangkay. Hindi naman pwedeng nagkataon lang. I have a photographic memory at kung ihahambing, bawat anggulo at detalye ay magkaparehas sila. At hindi ako papupuntahin ng aking kapatid doon kung wala itong koneksyon diba?

Sa likuran ng envelope nakatatak ang I🔱S University.

Hmmm. Maybe 'I' stands for infinity and 'S' for snake? Nagkibit balikat ako.

Pero bakit isang paaralan at ano ang kinalaman nito sa pagkakanakaw ng mata ni Dad?

Napabuntong hininga ako. Our family came from the long line of Prometheus. Not the Titan okay? It's Prometheus Cromello. My great great great... I don't know how many great but he's our great grandfather.

Aside sa story ng mga ninuno namin, Prometheus was a poor farm boy. Mag isa lang itong nakatira sa kagubatan. Then isang gabi habang naglalakad siya pauwi, may nakita siyang hubot hubad na babae na walang malay at punong-puno ng sugat at galos ang buong katawan. Dinala niya ito sa kanyang kubo. Nanatili doon ang babae habang nagpapagaling. The woman was a goddess at hindi napigilan ni Prometheus ang umibig dito at ganun na din si Eba dahil bukod sa mabait, magandang lalaki din si Prometheus.

They were leaving happily until one day, ginabi ng uwi si Prometheus dahil pinatigil muna niya ang bagyo sa isang kweba. Nag aalala siya kay Eba pero kahit gustuhin man niya ang umuwi na ay wala siyang makita sa lakas ng ulan at hangin. Natatakot din siya na baka tamaan siya ng kidlat.

Nang humupa na ang bagyo, nagpasya na siyang umuwi. Gabi na at naaaninag na mula sa kanyang pwesto ang ilaw ng lampara sa kanyang kubo. Malamang kanina pa naghihintay sa kanya si Eba. Napangiti siya sa kanyang naisip pero nabura rin iyon nang narinig niya ang malakas na pagsigaw nito.

Dali-dali siyang tumakbo at doon, mula sa pintuan, nakita niya si Eba na nakahiga sa lamesa, umaagos ang masaganang dugo mula sa kanyang ulo at walang malay habang nagpapakasasa ang isang lalaki sa katawan nito. Nagtawanan ang mga kasamahan nito, nasisiyahan sa nakikita.

Dahil sa nasaksihan at poot na nararamdaman, nagdilim ang kanyang paningin. Hinawakan ang itak na nakasabit sa kanyang bewang at dahan-dahang tinanggal sa lalagyan nito.Kumislap ito nang masinagan ng ilaw ng buwan.

A Glimpse Of Hell (COMPLETED)Where stories live. Discover now