Chapter 28

34 2 0
                                    

Spg

"Ingat!" sigaw nilang lahat nang ibang daan na ang tatahakin namin ni Sage pauwi.

Mula sa loob ng sasakyan ay kumakaway sina Alex.

"Tingin sa daan ha? Huwag sa kung saan-saan!" pahabol pa na sigaw ni Lucy.

Tumawa lang ako at bahagyang tumango. Isang kaway pa bago ko isinara ang bintana at umayos ng upo.

"Tara na," baling ko kay Sage.

I checked my phone when I got a notification from my Facebook. I was tagged by Lucy. Lahat kami ay nakatagged liban kay Sage dahil wala siyang Facebook account.

I scyan the pictures and save those who have a shot of Sage and me.

Mula sa daan ay bumaling ang tingin ni Sage sa akin. "Are you hungry? It's already 1 o'clock. We can stop by."

"Sa fast food na lang tayo. Okay lang ba sa'yo?"

Marahan lang siyang tumango at hindi na nagsalita pa. Sumandal ako sa upuan at itinukod ang siko sa may bintana. Nangalumbaba ako habang nag-iisip.

He's acting cold again after that call. Bago kasi kami umalis sa rest house nila bakla ay may tumawag sa kanya. Medyo natagalan siya at pagbalik niya ay iba na ang mood niya.

"Kamusta naman si Agatha?" wala sa sarili kong tanong habang diretso ang tingin sa daan.

I'm wondering, hindi ba lumabas ng school ang babaeng yun kaya tawag nang tawag kay Sage? O baka lumabas siya dahil madalas din ang mga lakad ni Sage noong nandun pa kami sa bahay?

Maybe they were seeing each other without my consent?

Napabuga ako ng hangin.

Rinig ko ang marahas na paghinga ni Sage. "Stop putting her up between us Sabrina. We've talked about this before, right?"

Hindi na lang ako umimik. Ayaw kong mag-away kami.

"Dine in na lang tayo," wika ko kay Sage nang pinagpili niya ako kung dine in ba o drive through. Medyo malayo-layo pa ang aming biyahe at ayaw kong magutom siya.

I can't feed him while driving. Baka mabangga pa kami.

Si Sage ang nag-order at hindi man lang niya tinanong kung ano ang gusto ko.

Humalukipkip lang ako at pinanuod ang mga high school students na nagtutulakan sa kanyang likuran. Wala naman ng bago. Saan man siya magpunta,lahat ay napapatingin sa kanya. Mapa bata man o matanda, lalong-lalo na ang mga bakla.

Nagmumukha ngang karinderya itong Jollibee dahil sa prisensiya niya.

He's too expensive he doesn't suit these kind of places.

"Let's eat," aniya nang makabalik.

1 piece chicken joy, mashed potatoes, fries at palabok ang inorder niya para sa akin.

"Salamat. Iyan lang ang kakainin mo?" Spaghetti at burger lang kasi ang kanya. Parang baliktad ang portion ng pagkain namin ah.

"Yeah. I'm not used eating in fast foods," aniya habang hinahalo ang spaghetti. "You should also limit your intake. It's not healthy."

Wow. Nangaral pa pero binilhan naman ako ng marami.

Tahimik lang kaming kumain. Ba't nag-iba na ang mood niya simula nang umalis kami sa rest house? Bumalik kaya kaming dalawa doon?

Pabago-bago ang ugali niya. Ang hirap din ng ganun dahil kailangan ko ring baguhin ang pakikitungo ko upang masabayan siya.

A heard a low chuckle. Binalingan ko si Sage at bakas sa mukha niya ang aliw habang nakatingin sa akin at sa buto ng manok na nginangatngat ko.

A Glimpse Of Hell (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon