Chapter 31

36 1 0
                                    

Mahigpit ang kapit ko sa aking upuan.
Sobrang bilis ng pagpapatakbo ni Sage.

Hindi ako kinakabahan sa paraan ng pagmamaneho niya. May tiwala ako sa kanya. Ang ikinababahala ko ay ang galit niya. Madilim ang anyo niya at namumuti ang kamay niya sa higpit ng hawak sa manibela. Lumalabas din ang mga ugat sa kanyang braso.

Pagkalabas namin sa club kanina ay isinakay niya agad ako sa kanyang sasakyan ng hindi man lang nagsasalita.

"S-Sage," untag ko dahil sasalpok kami sa puno kapag hindi siya huminto o lumiko pero wala pa rin siyang kibo.

Mariin akong pumikit at agad din akong nagmulat nang bigla siyang nagpreno. Kung wala akong seat belt ay malamang na tumilapon ako palabas ng sasakyan sa lakas ng impact nito.

Nasapo ko ang akibg dibdib sa matinding nerbiyos.

Malakas na hinampas ni Sage ang manibela na siyang nagpabaling sa akin sa namumula niyang mukha.

"Why did you let that bastard kiss you?!" aniya sa marahas na paghinga. "And how many times do I have to tell you not to wear these kinds of clothes?!" singhal niya sabay dutdot sa damit ko.

Nanginig ang labi ko. Wala akong maapuhap na salita. Galit na galit siya.

Nagpakawala siya ng marahas na hininga. "Come here." Kumalma na ang boses niya pagkakita sa takot kong istura.

Nang hindi ako gumalaw ay siya na ang lumapit sa akin. "Let's wipe that jerk's nasty lips on yours."

Sage cupped my face and grant me a soft kiss. Banayad lang ang galaw ng labi niya, hindi tulad kanina.

I can feel that he is calming now.

"Anong sinabi niya sa'yo?" tanong niya sa malumanay na boses pagkatapos ng halik. "Did he confess?"

Tumango ako. Agad na namang nag-iba ang timplada ng kanyang muka.

"Hey," pukaw ko at hinaplos ang kanyang mukha. "Alam mo namang ikaw lang ang mahal ko diba? Hayaan mo na si Jameson. A-Ano nga pala ang ginawa mo sa kanya?" kinakabahan kong tanong.

Lumayo siya sa akin at umayos ng upo. "I can't let that slip. I warned him before but he never listened. He's still alive. I just teach him his lesson," walang emosyon niyang saad.

Dapat ba akong mapanatag sa sinabi niyang buhay pa si Jameson? Malamang na nasa hospital na iyon.

"What's your yearly tradition?" tanong ko makalipas ng ilang minutong katahimikan.

"There are things that you shouldn't ask. It might disappoint you. I don't want you ended up hating me."

Sa sinabi niya ay nasisiguro kong mas grabe ang kanya kesa kay Agatha noon.

Samot-saring imahe ang pumasok sa aking isipan. Like Sage doing like this and like that.

I shake my head, erasing those obscene thoughts.

Kinuha at inabot ko sa kanya ang damit na nakita ko kanina. "Baka lamigin ka," wika ko at nag-iwas ng tingin.

Kinuha niya yon. "Are you worried about him?" tanong niya habang nagsusuot ng damit.

"Kaibigan ko si Jameson. Hindi mawawala sa akin ang mag-alala."

"Despite for what he did? For forcing his self to you?" Tumataas na naman ang boses niya.

"He was just carried away."

"And you're defending him now? You should've slap him instead for doing that!"

"Sage, hindi ko siya pinagtatanggol! Ang punto ko lang ay hindi mo sana siya sinaktan ng ganun. Nagmahal lang siya at nasaktan!" ganti ko.

"At sa tingin mo ba ay hindi ako nasasaktan?! Na hindi ako nagmamahal?! Nasaktan ako sa nakita ko dahil mahal kita! Binugbog ko ang gagong yun dahil mahal kita! Akin ka! Akin ka lang! Naintindihan mo?!" bulyaw niya sa mukha ko.

A Glimpse Of Hell (COMPLETED)Where stories live. Discover now