Chapter 49

26 3 0
                                    

Sa edad na 26 ay ganap ng binata sina Enrique at Eustass. Sila na ngayon ang namamahala sa kalahati ng sandamakmak na business ng kanilang ama.

"Eustass, darating na raw bukas ang anak ni manang Leticia na papalit sa kanya." Bigay impormasiyon ni Enrique. Pumasok ito sa opisina ni Eustass na kasalukuyang pumipirma ng maraming papeles.

Nag-angat ng tingin si Eustass sa kapatid at nahahapong hinilot ang sintido. "Right, I nearly forgot."

Marahang tumawa si Enrique. "Puro trabaho kasi ang inaaatupag mo. Halos dito ka na rin tumira. Hindi ka na umuuwi sa bahay. Ang seryoso ng buhay mo bro. Maaga kang mamamatay niyan." Halakhak nito.

Hindi pinansin ni Eustass ang sinabi ng kapatid at pinagpatuloy ang ginagawa. Sanay na ito. Sa kanilang dalawa ay si Enrique ang go-with-the-flow na tipo ng tao, at higit sa lahat ay isa itong talamak na babaero. Kalat dito, kalat doon. Yun ang kinaiinisan niya dito.

Umingos si Enrique. "Ang seryoso nito. Humanap ka kaya ng kabebe time mo." Tawa na naman nito.

"Tigilan mo nga ako. Saka lang ako magkakajowa pag tumino ka na."

"Hah. No way."

Napailing si Eustass sa sagot ng kapatid. "Anyway, naayos na ba ang kwartong titirhan ng anak ni manang Leticia?"

"Yeah."

Bahagya lang itong napatango.

Si manang Leticia ang mayordoma sa mansiyon nila. Matanda na ito at marami nang dinaramdam na sakit sa katawan. Hindi na nito kaya ang mga gawaing bahay kaya nagpasya na silang patigilin na ito sa pagtatrabaho.
Binigyan nila ito ng malaking halaga para sa retirement fee ng matanda pero sinabing papalitan daw siya ng kanyang anak. Ayaw sana nina Enrique at Eustass pero mapilit ang matanda, gusto raw nitong may maiwang magbabantay sa kanila kaya wala na silang nagawa kundi ang pumayag.

Sa araw na iyon ay naisipan ni Eustass na umuwi sa kanilang bahay upang pormal na salubungin ang pagdating ng anak ni Manang Leticia. Sigurado kasi siyang wala na naman ang kambal niya.

"Sir nandito na po ang anak ni Manang Leticia. Nandun po siya sa sala," imporma ng isang kasambahay nila.

Tumango siya at bumaba sa kanilang sala. Naabutan niya doon ang isang babaeng nakaupo sa sofa. Nakatalikod ito kaya ang likod lang ng ulo nito ang kanyang nakikita.

Sinuklay niya ang magulong buhok palikod. Maaga pa kaya hindi pa siya nakakaligo.

Habang naglalakad siya ay malakas siyang tumikhim upang kunin ang atensiyon nito. Nakita pa niya na napapitlag ito.

Unti-unti itong lumingon sa kanya.

Nang tuluyan na niyang nasilayan ang mukha nito ay natigilan siya. Biglang bumagal ang pag-ikot ng mundo niya. Mabilis din na pumintig ang puso niya. Bumaha ang paghanga na kanyang nararamdaman habang nakatingin sa sobrang amo nitong mukha.

Buong buhay niya ay hindi pa siya nakakakita ng ganitong uri ng ganda.

"M-Magandang araw po S-Sir," nahihiya nitong wika na bahagyang nakatango.

Napalunok siya. Her voice is soothing and calming the riot inside his chest.

"A-Ako nga po pala si I-Isabella.. hmm.." anitong hinidi alam kung ano pa ang sasabihin.

Tumikhim ulit siya at pasimpleng inayos ang magulo niyang damit. Nakatungo pa rin ito at halatang kinakabahan.

Lumapit siya dito. "Isabella, ako nga pala si Eus–"

Mariin siyang napapikit nang matisod siya. Nakakahiya. Putangina.

Maagap siyang naalalayan ni Isabella bago pa siya mauntog sa gilid ng sofa.

A Glimpse Of Hell (COMPLETED)Where stories live. Discover now