Chapter 13

48 3 0
                                    

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko pagkatapos ng pag-uusap namin ng aking kapatid.
Dad is conscious now and anytime soon ay malalaman na niya kung ano ang nangyari. Kailangan ko na talagang gawin ang misyon ko dahil hindi lang ako ang malalagot kundi pati na rin ang aking kapatid.

Akmang hahakbang na ako paalis nang may pumigil sa aking braso. Lumingon ako at nakita ko si Sage na seryoso ang mukha. Kasama ko pa pala siya. Nawala na siya sa isip ko dahil sa balita ni Kuya kanina.

"Where are you going?" kunot ang noo niyang tanong.

"Ahm. Uuwi na?" turo ko sa daan. I mentally clapped dahil hindi ako nautal.

"I'll court you."

"Huh?"

Court? Liligawan niya ako?

"No! I mean I'll escort you," mabilis niyang bawi. Nag-iwas siya tingin sa akin pero hindi nakaligtas sa akin ang bahagyang pamumula ng kanyang tenga . Dahan-dahan niyang binitiwan ang braso ko.

"Hindi na. Kaya ko na," pagtanggi ko dahil baka kung saan na naman kami humantong.

Being with him makes me forget everything and that is wrong.

"I insist," pagpupumilit niya. Nauna na siyang maglakad at wala na akong nagawa pa kung hindi ang sumunod sa kanya pero pinanatili ko ang distansya sa aming dalawa. Mahirap na at baka may makakita sa amin.

Pinag-aralan ko siya habang naglalakad. He's really tall and masculine. His aura was intimidating. Para siyang leon na naglalakad sa kanyang teritoryo. No wonder he held the title as King because he can rule.

Maya-maya at tumigil siya sa paglalakad at liningon ako.

"Why are you keeping your distance?" he asked in a furrowed eyebrows.

Lumapit siya sa akin at hinila ang aking kamay at nagsimula ulit maglakad.

"Let me go. I can walk," protesta ko. Pilit kong tinatanggal ang kamay niya pero hindi niya ako pinapansin. Mukha siyang bad mood. Paiba-iba ang ugali niya. Parang bipolar.

"Ano ba?" Kinurot ko ang braso niya.

Tumigil siya at inis akong tinitigan. "What's your problem? I kissed and touched you earlier and you let me. Now with this simple thing and you're struggling?"

Napipilan ako sa sinabi niya. Oo nga naman. Kung anu-ano pang mga kabulastugan ang ginawa ko kanina sa kanya pero heto ako ngayon na parang pakipot na pusa.

"Hindi ko naman yun ginusto–"

Humigpit ang hawak niya sa akin at hinarap ako. Madilim ang mukha. "What did you say? Hindi mo ginusto yung nangyari?" aniya sa mapanganib na boses.

"No! I mean.. ang ibig kong sabihin ay–"

Hinila niya ako at naglakad sa kabilang direksyon ng kalsada. Mabibigat ang bawat hakbang.

"S-Saan ka pupunta? Hindi diyan ang daan papuntang Villa namin!"

"I know. We're going to my place and I'll make sure you'll take back what you've said."

Kinilabutan ako sa sinabi niya at sunimulang hiklasin ang kamay niyang nakahawak sa akin. What's with him? Ano bang problema niya at nagkakaganito siya? We've just met. We barely know each other and now he's acting like this?

"Nababaliw ka na ba?!" sigaw ko sabay hila sa aking kamay.

"Don't try to run. It's no use."

Nasa akto kaming naghihilahan nang may makasalubong kaming grupo ng mga kalalakihan na nagtatawanan.

A Glimpse Of Hell (COMPLETED)Where stories live. Discover now