Chapter 14

49 2 0
                                    

Nandito kami ngayon sa malawak na field at nanunuod sa mga naglalaro ng soccer. Nag umpisa na ang try outs kahapon kaya busy ang lahat ng mga estudyante na hasain ang kani-kanilang mga talento sa iba't-ibang larangan ng sports. Liban sa aming apat na chill lang na nakatambay at kumakain.

"Wala ka talagang sasalihan?" pang limang beses na tanong ni Angel sa akin.

"Wala." Panglimang beses ko na ring sagot sa kanya.

"Ang kulit nito. Hindi naman mandatory ang pagsali sa mga sports ah," singit ni Alex.

Si Lucy ay tahimik lang na nakatingin sa mga naglalaro at nagniningning pa ang mga mata. Sinundan ko ang tingin niya.

Sa gitna ng mga manlalaro, merong isang lalaking bukod tangi ang kagwapuhan. Mamula-mula ang balat nito dahil sa araw. Ito ang may hawak ng bola at sa bawat galaw nito ay sumasabay ang buhok nitong basa ng pawis. Para itong si Rukawa ng Slamdunk. Pffttt. Natawa ako. Pero kidding aside, gwapo talaga ito.

"Sino yun?" tanong ko kay bakla.

"Turner McKinley. Ang captain ng soccer team," sagot niya.

"Ang captain ng buhay ni Lucy," segunda ni Alex.

"Hay, sana ako na lang yung bola," nangangarap na wika ni Lucy.

"Sana nga. Ang sarap mo sigurong sipain,"  bara naman ni Angel.

And just like that, nagsimula na namang magbangayan ang dalawa. Natigil lang sila nang dumating si Arellano para kausapin ako.

"Pinapunta ako dito ni Vanessa para irecruit ka raw sa volleyball team."

"Vanessa? Sino yun?"

"Vanessa Haze. Representative ng 4D."

Baka si Hazel?

"Yung masungit," dagdag pa niyang nakatawa.

Tss. Si Hazel nga. Vanessa Haze pala ang pangalan niya. Pero teka, halos tugma ang pangalawa niyang pangalan sa tawag ko sa kanya ah.

Ano na naman kaya ang nakain niya at kung anu-ano ang naiisip? Dinadamay pa ako dito na nananahimik.

"And by the way, sorry doon sa una kung sinabi. Narecruit ka na pala at hindi ka na makakatanggi pa dahil nasa listahan na ang pangalan mo. Pinapunta lang ako dito para sabihin sa iyo. Try outs niyo raw mamayang hapon." Yun lang at umalis na siya. Hindi man lang niya hinintay ang sasabihin ko.

Bwisit talaga ang babaeng yun. Kung saan-saan niya ako pinapasok. Sasamain na talaga siya sa akin sa susunod.

Tawang-tawa ang mga kasama ko. "Kaya mo yan. Ang bigat kaya ng kamay mo. Lampasuhin mo ang mga kalaban niyo," pagpapalakas ng loob sa akin ni bakla.

Biglang may pumasok na magandang ideya sa aking isipan.

"Anong course ni Agatha?" tanong ko.

"Si Queen?"

"Yeah. Your Queen." Pinaikot ko ang aking mga mata. Queen lang nila.

"Architecture," sagot ni Alex habang nangingilatis ang mga matang nakatingin sa akin.

Napangisi ako. Tutal nasa listahan na ang pangalan ko, hindi na ako pwedeng umatras. Nakita ko ang Queen nila kani-kanina lang na nagpapractice sa gym kasama ang mga kaibigan niya.

Masasabi kong magaling siya pero sa totoong laro lang magkakaalaman. Mukhang meron na akong ilalampaso.

I mentally laughed.

Kasalukuyang nag-iinat ang mga kasamahan ko dito sa gym habang ako naman ay sinusukatan para sa aking damit. Naka schedule ang mga magpapractice dito sa gym para walang lamangan.

A Glimpse Of Hell (COMPLETED)Where stories live. Discover now