Chapter 33

27 4 2
                                    

Pabalibag na bumukas ang pintuan. Ngayon ko napagmasdan ng buo ang itsura nito. Bakya nga ang suot nito sa paa. Itim ang mahaba nitong damit. Walang makikitang balat liban sa mga kamay nito na may hawak na makintab na kutsilyo.

"A-Akin k-ka n-ngayon!" anito sa garalgal at mababang boses na parang galing sa hukay ang lalim.

Lumapit ito habang nakatutok ang patalim sa akin.

Bigla nitong hinablot ang abungot sa ulo at itinapon sa kung saan.

Napanganga ako nang makita ko ang kanyang mukha. Inaasahan ko na ito pero ngayong nasa harapan ko na ay hindi pa rin ako makapaniwala.

Agatha's popping eyes were crimson red.

"Papatayin kitang hayop ka!" Sinugod niya ako.

Itinaas niya ang hawak na patalim at sinaksak ako sa braso. Bumulwak ang masaganang dugo. Napasigaw ako sa sakit habang siya ay tumawa, natutuwa sa nangyayari.

"T-Tang-ina mo!" mura ko sa kanya. Nag-aalab ang mga mata kong tumingin sa kanya. May kasalanan pa siya sa akin pero heto siya at dinadagdagan na naman.

Idiniin niya ang kutsilyo hanggang sa aking buto saka hinila pababa. Halos malagutan ako ng hininga dahil sa ginawa niya.

"Nasa iyo na nga ang lahat-lahat, inagaw mo pa si Sage!"

Iyon talaga ang pinagpuputok ng butsi niya? Eh kasalanan ko ba kung kaiwan-iwan siya?!

Hindi pa siya nakuntento sa pagsaksak sa akin. Pinahaba niya ang kanyang mga kuko saka pinunit-punit ang damit ko pati na ang balat ko. Sobrang kirot ng kuko niyang bumabaon. "I'll wreck you hanggang pumangit ka at iwan ka niya!"

Pagkatapos niyang masira ang damit ko ay may kinuha siya sa ilalim ng damit niyang latigo. Hinampas niya iyon ng isang beses sa hangin.

"Tiniis ko ang sakit kanina para lang dito. Para makaganti ako sa iyo! Ikaw! Kayo ng pamilya mo ang may kasalanan ng lahat! Ikaw ang pagbabayarin ko!" galit na galit niyang wika.

Gigil na gigil ang bawat hampas niya ng latigo sa katawan ko.

Isa siyang baliw! Dinamay pa pati ang pamilya ko. Anong kasalanan namin sa kanya? Kami ba ang dahilan kung bakit siya nagkakaganyan?!

Mga sigaw ko at huni ng latigo ang maririnig sa lugar na ito.

"Sige sumigaw ka! Hahaha! Walang makakarinig sa iyo dito!" nababaliw niyang tawa.

Nang magsawa ay tumigil siya sa paghampas at marahas na hinawakan ang aking panga. "I'll give you a little information to light up your burden," ngisi niya.

Inilapit niya ang bibig sa aking tenga at bumulong na para bang may ibang makakarinig kahit kami lang naman ang nandito.

"Sage is going crazy because he can't find you." Natigilan ako sa sinabi niya. "Pero alam mo ba kung ano ang lalong nagpapagalit sa kanya? He knew where to find you but he can't save you!" Humalakhak siya at sinabunutan ang aking buhok. "At kasalanan mo rin yun gaga! He's a powerless king because of you! Dahil minahal ka niya at hiniwalayan ako! He can't enter this place without me! The key is me but he lost it!"

Hindi ko magawang magalit sa mga sinabi niya. Ngayon ko naisip kung bakit ayaw ni Sage na makipaghiwalay kay Agatha noon.

Kung pumayag sana ako noon na gawing sekreto muna ang tungkol sa amin ay hindi ito mangyayari.

Sage lost many access because of me.

Gusto kong iumpog ang sarili sa pader sa kasakiman ko. Sage is keeping Agatha for whatever reason he has. At winala ko iyon dahil sa pansarili kong kagustuhan.

A Glimpse Of Hell (COMPLETED)Where stories live. Discover now