Chapter 16

41 0 0
                                    

Bumungad sa akin ang sambakol na mukha ni Hazel nang salubungin niya ako. Kanina pa siya text nang text at tinatanong kung nasaan na raw ako. Hindi ko nga alam kung saan niya nakuha ang number ko.

"Ang tagal mo! Akala ko nagback out ka na!" nakamulagat niyang saad sa akin.

Hindi ko siya pinansin dahil malalim ang aking iniisip. Pagkagising ko kasi kanina ay hindi na masakit ang braso ko. Wala na rin ang pasa nito. Does Sage has something to do about it? I remembered the way he kissed my arm last night. It was different.

"Huy!" Pinitik ni Hazel ang daliri malapit sa mata ko. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Mamaya ka na diyan lumutang. Magsisimula na ang opening ceremony."

We're here in the wide field. Ang suot namin ay dilaw na damit base na rin sa course namin. Sa harap ay may nakalagay na itim na Phoenix at sa likod nun ay ang aming pangalan. Nakamaong skirt ang iilan kasama na ako doon at ang karamihan naman ay nakasuot ng jeans.

Lumapit sa akin si Phinx na may hawak na banner. Kaming dalawa ang hahawak nito bilang representative ng aming course sa event na ito. Kami ang nasa harapan.

"Hi. You look gorgeous," bati niya agad sa akin.

"You're dashing as well," ganti ko. Sanay na ako sa kanya. He's a charmer at natural na sa kanya ang mga salitang yun. Walang malisya. Mahilig lang talaga siyang magsabi ng mga bagay-bagay na napapansin niya.

"Saaab!" Kumakaway sina Lucy. Nasa bleachers sila sa gilid dahil ang mga players lang at participants sa stage play ang pwede dito sa field. Kumaway din ako sa kanila at ngumiti. Maingay ang field dahil  nandito lahat ang mga estudyante at mga professors.

Excitement was shown in everyone's faces.

Nakikita ko sa medyo malayo si Sage. Nasa likod siya ni Jameson na may hawak na banner at katulad ng dati ay blangko na naman ang kanyang mukha.

Makulimlim ang kalangitan kaya hindi na alintana kung nasa malawak na field kami. May mga drones din na lumilipad sa himpapawid upang kunan ang mga pangyayari sa event na ito.

Damn. This school is really fantastic.

"MAKE SOME NOISE STUDENTS OF IS!!!" malakas na pambungad ni Ms Anne. Siya ata ang emcee.

Kasabay ng hiyawan ng mga estudyante ay ang pagtambol din ng mga drums na naka set up sa stage na pinapangunahan ni Clark. May mga pausok effect pa.

It's so cooool!

"May I have the king and queen to do the honor in lighting up the torch," anyaya ni Ms Anne.

Magkasabay na naglakad ang dalawa papuntang stage. Pumulupot pa ang kamay ni Agatha sa mga braso ni Sage, letting everyone know that she owns him.

Nagngingitngit ang kalooban ko sa nakikitang tagpo. Maingat na inalalayan ni Sage si Agatha nang umakyat sila sa hagdan, bagay na hindi niya man lang magawa sa akin. Puro pasakit, singhal at kunot noo ang binibigay niya kapag magkasama kami. Parang pinapamukha talaga kung saan ako nararapat. Tae. Ang sakit ah.

"Selos ka na niyan?" kantiyaw sa akin ni Hazel mula sa aking likuran.

"Shut up," inis kong irap.

Ang bruha, tinawanan lang ako.

May hawak na sulo na may apoy ang dalawa pagkababa. Nakapwesto sila sa magkabilang panig ng stage. Sunod-sunod ang pagtambol ng mga drums kasabay nun ang marahang pagtakbo nila paikot sa buong field.

Everyone watched them in awe. There's no doubt that they really suit their brand, the King and Queen.

Shit. Bagay na bagay sila. Pero mas bagay kami ni Sage.

A Glimpse Of Hell (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon