Chapter 41

28 4 0
                                    

I'm in dazed while diving deep under the water. All along, this operation was to save Sage's sister. Gaya ng naikwento noon ni Ms Anne, pinatay lahat ang pamilya ni Sage liban sa kapatid niya. Baka ang pakay lang talaga nila noon ay ang kanyang kapatid.

Ibig bang sabihin ay iisa lang ang salarin sa nangyari sa pamilya ni Sage at sa pagnakaw sa mata ni Dad? Sa nalaman ay nagulo na ang mga konklusyong napagtagpi-tagpi ko sa aking isipan. Kumbaga ay bumalik ulit ako sa simula.

I have a hunch that my father was the master mind of what happened to Sage's family and from what I learned earlier, I can't just put the blame on him without concrete evidence.

Sa lalim ng aking iniisip ay hindi ko nakita ang isang malaking sawa na palapit sa akin at biglang pumulupot sa katawan ko.

Nabitawan ko ang flashlight na hawak sa lakas ng aking pagkakaipit. Sinubukan kong kumawala pero hindi ko magawang igalaw ang aking katawan. Halos mapisak ang katawan ko.

Kahit nasa tubig kami ay naamoy ko pa rin ang malansa nitong amoy.

Ako ang nasa likod kaya hindi nila napansin ang nangyayari.

Fear run through my system when I saw the snake's head. It's almost as big as human head!

Shit!

The snake hissed while looking at my face. Napaubo ako nang hindi ako makahinga. Water started to fill my lungs.

M-My oxygen..

Sa nanlalabong mga mata ay nakita kong may tumapat na ilaw sa aking mukha. Ilang sandali lang ay naramdaman ko ang pagluwag ng pulupot sa akin ng ahas. Mabilis akong sinalo ni Jayden at itinapat sa bibig ko ang oxygen upang makahinga.

"Stay focused damnit!" mura ni Sage na rinig naming lahat sa aming isipan. Siya ang nangunguna sa amin at bahagya siyang bumalik upang tingnan kung ano ang nangyari sa akin. Concern with a mix of irritation was plastered on his face.

"Are you alright?" nag-aalalang tanong ni Jayden. I nod as a response.

Fudge. Ang sakit ng katawan ko.

The snake was floating with a knife on his head. I feel useless. Nagiging pabigat lang ako sa kanila.

"This is water. There are many kinds of creatures like that that you will encounter so stay alert!" ani Sage saka nagpatuloy sa paglangoy.

They are using telepathy to communicate. That's one of Kyle's ability. But unfortunately, it won't work on me because I was born during full moon. I can hear their thoughts but I can't reach nor talk to them.

Nagpatuloy kami sa paglangoy. This time ay naging alerto na ako sa aking paligid. Tama si Sage. Nasa ilalim kami ng tubig na bahay ng samut-saring nilalang. Kailangan ko munang isantabi ang aking mga iniisip at magfocus sa aming layunin.

Kasabay ko na si Jayden na lumalangoy ngayon.

Nagsitigil ang lahat.

Nang tumingin ako sa unahan ay pinahawak ni Sage kay Kyle ang plato at binuksan ang pintuan ng tunnel na dadaanan namin. Inilawan ko ang paligid ng tunnel. Natatabunan ito ng malalaking bitak ng bato na nababalutan ng lumot.

"Jayden, close the door once you enter," aniya nang mabuksan ang pintuan at pumasok doon.

"Be careful," dagdag pa niya.

I can't help myself to admire him even more with his leadership and bravery. I have his oxygen with me and I'm amazed on how he can hold his breath for a long period of time.

Isa-isang pumasok ang lahat sa makipot na tunnel. Nang makapasok ako ay hinintay ko muna si Jayden na isinasara ang pintuan. Maraming sanga ng halamang tubig ang nagkalat dito sa loob. Meron pang mga matutulis na wire na nakakunektado sa tunnel.

A Glimpse Of Hell (COMPLETED)Where stories live. Discover now