Chapter 6

50 5 0
                                    

As I went out of the car, I was greeted with City lights. Parang sa siyudad lang na buhay na buhay kapag gabi. Madaming studyante ang nagkalat, some of them were staring at us.

Shopping malls, stores, fast food chains, bars, restaurants were everywhere and  even.. motels. Like dude, seriously? They are allowing those kinds of shits here? Well, what should I expect, this is the school of freedom anyway.

"Papunta ako sa club Z, ikaw Sab saan ba ang punta mo?" tanong ni Jameson mula sa aking pagkakatulala.

Inayos ko ang aking bag.

"Ah. Uuhmmm.." Wala akong masabi dahil hindi ko naman talaga alam. Inanyayahan lang ako dito sa level 5 but with no particular place.

"Seems like you're really lost," halakhak niya. "Ang mabuti pa sumama ka na lang sa akin," anyaya pa niya.

Do I have a choice? Mabuti na rin yung may kasama ako kahit papaano. Naglakad kami papunta sa sinabi niyang Club Z at sa labas pa lang ay marami ng kumpulan ng mga tao na gustong pumasok sa loob, mostly men.

"Bakit ang dami yatang tao?" hindi ko napigilang itanong.

"It's the birthday of the Queen. Dito sa club Z idaraos kung saan pipili siya ng isang maswerteng lalaki na kanyang iuuwi. Kaya huwag ka nang magtaka kung bakit madaming gustong pumasok," paliwanag niya.

Tumaas ang kilay ko. "And you're one of them?"

Hinawakan niya ang aking palapulsuhan at marahang hinila sa likod ng building. Jameson swiped a card and the steel door opened.

Nung nakapasok na kami ay binitawan na niya ako at tinitigan.

"I'd rather have you than to be with the Queen," ngisi niya at dahan-dahang lumapit sa akin. There's something in his eyes that I can't name.

I stood on my ground. "Suntok gusto mo?" wika ko saka iniumang ang aking kamao. I did that to lighten up the mood, iba na kasi siya makatingin.

Mabuti naman at tumawa na siya.

"Let's go," aniya saka nauna nang maglakad.

Sumunod ako sa kanya habang pinagmamasdan ang loob. Naglalakad kami dito sa hallway at sa bawat pintuan na aming madadaanan ay may mga nakabantay na mga lalaking matitipuno ang katawan. I think those are VIP rooms and the door where we entered earlier is a VIP entrance as well. Tinanguan ito ng isang bouncer bilang paggalang nang makalabas kami sa pintuan ng hallway.

This guy was a big shot. More reason to stay close to him.

Spinning lights and loud music were making the crowd go wild. Humihiyaw ang mga tao habang sinasabayan ang bit ng musika galing sa DJ. Booze and smoke scentend the air. Hinila ulit ako ng kasama ko papunta sa counter para umupo.

"Tequila please. Make it two." Order ng kasama ko sa isang chinitong bartender.

He looks like a korean, may lahi siguro.

"Eric!" masigla niyang bati sa aking kasama. Seems like they know each other too.

"Yow Morgan," sagot ni Jameson habang busy sa cellphone.

Ngiting-ngiting bumaling sa akin ang bartender na nagngangalang 'Morgan' habang naghahalo ng kung anong mga inumin.

"Hi Miss!" bati niya sa akin na nakangiti. His teeth was as white as pearl, ang ganda rin ng ngiti. "Payo lang, huwag kang masyadong sumama-sama dito kay Eric kung ayaw mong mapariwara,"  babala niya sa akin.

"Aba't gago to!" angil naman nitong kasama ko sabay pakita ng kanyang middle finger. Halakhak lang ang isinagot ni Morgan.

Napapangiti lang ako sa kanilang mga kalokohan. If I will be given a chance to select a friend, I prefer boys over girls which is sa mata ng ibang taong makikitid ang utak ay malandi ka na agad. Iba kasi talaga ang vibe kapag lalaki ang kaibigan, walang plastikan hindi tulad ng mga babaeng traydoran lang ang alam.

A Glimpse Of Hell (COMPLETED)Where stories live. Discover now