Chapter 45

27 2 0
                                    

"Pwede ba tayong mag-usap?" wika ni Clark nang makasalubong ko siya kinabukasan dito sa school.

Nag-alangan ako noong una pero nang makita ko ang mukha niyang nahihirapan ay pumayag na ako.

Susubukan ko sanang hanapin si Sage pero ipagpapaliban ko muna.

Tsaka nandito na sa harap ko si Clark. Maybe this is the right time to settle the the things between us.

We ended up on the gym's rooftops. I only have 10 minutes break before my next class at kung matatagalan man ang aming pag-uusap ay hindi ako manghihinayang na hindi pumasok.

Hindi na siya tulad ng dati. Wala na ang masiyahin na Clark na nakilala ko noon.

His face is gloomy like he's in a state of misery.

Walang naglakas loob sa aming magsalita. Nakatanaw lang kami parehas sa malayo.

Humugot ng malalim na hininga si Clark.

I glanced at him.

"I know that this is too late but I can't keep it anymore. Ang bigat na ng dibdib ko. I need to vent this out bago pa ako mabaliw," kapos ang hiningang wika niya.

Nagpatuloy siya. "Hindi ko alam kung kanino ako dapat magalit at kung sino ba ang dapat kong sisihin sa pagkamatay ni Soul."

Soul...

Humigpit ang hawak ko sa railings pagkabanggit niya sa pangalang iyon. So this is all about her all along. Nagdadalamhati pa rin siya hanggang ngayon dahil sa pagkawala niya.

"Soul is my friend, para ko na siyang kapatid. Ako ang takbuhan niya kapag may problema siya, mapabahay man o dito sa school. She's fragile and weak, a reason why she is always taken advantage."

Tahimik lang akong nakikinig dahil mukhang marami siyang gustong sabihin.

Ngayon naintindihan ko na ang mga inaakto noon ni Clark sa pagkamatay ni Soul. Masakit para sa akin na wala man lang akong nagawa noon kaya kung anu-ano ang mga sinabi at mga ibinintang ko sa kanila without thinking their own feelings lalo na kay Clark na mas malapit  kay Soul. I provoked him kaya heto ang kinalabasan.

Hndi ko siya masisisi kung ako man ang sisihin niya sa pagkamatay ni Soul. Sino pa bang iba eh ako naman talaga ang rason.

Soul's been energetic and happy na unti-unting nawala mula nang pumasok ako sa paaralang ito. I didn't even consider her as friend, she's just a plain housemate. Pero nang dahil sa akin ay nagkandamalas-malas na ang buhay niya. Sa galit at selos ni Agatha sa akin ay si Soul ang ginamit niya na sanhi ng pagkamatay niya.

Ayaw ko na sanang ungkatin pa ang bagay na ito dahil lumipas na pero kailangan kong bumalik, para sa closure namin ni Clark.

Silang dalawa ni Soul ang una kong nakilala dito at mahirap tanggapin na ganito ang nangyari sa kanila, dahil sa akin.

"Sa totoo lang, gusto kitang sisihin sa pagkamatay niya pero naisip ko na wala akong karapatang gawin iyon dahil ako nga mismo wala ring nagawa." Bahagya humina ang boses niya sa kanyang huling sinabi.

Sadness and regret was written all over Clark's face.

Tumingin ako sa ibaba kung saan naroon ang mga estudyanteng may kanya-kanyang ginagawa. Merong mga nagtatawanan, merong mabilis ang lakad na parang may hinahabol, may kunot ang noo habang nagbabasa sa hawak na kung ano, may nangungulangot at wala sa sariling ipinapahid sa puno, meron ding tulala.

Everyone has their own life. Hindi natin sila kilala at hindi natin alam kung ano ang kanilang mga pinagdadaanan sa buhay. Kaya ako, kung maaari ay ayaw kong makialam dahil imbes na makatulong ay baka lalo lang akong makagulo.

A Glimpse Of Hell (COMPLETED)Where stories live. Discover now