Chapter 26

40 0 0
                                    

Pinagpiyestahan nila akong tatlo nang sabay kaming lumabas ni Sage sa sasakyan kanina pagkarating namin sa rest house.

Halos mapunit ang damit ko sa kakahila nila. Nandito kami ngayon sa kwarto ko at basta-basta na lang silang pumasok at hinarass ako.

"Si king Sage ng buhay ko!" parang hinihimatay na tili ni Lucy.

Hinampas ko silang tatlo ng unan upang magtigil sila.

"I still can't believe it!" mangha si Alex. Nakapusod ang buhok niya dahil ayaw niyang tumigas yun dahil sa hanging dagat. "And he's staying in your house!" turo pa niya sa akin.

I told them everything. Wala rin naman akong maimbento na kwento. They were my friends and I trust them with this one. Sila pa nga ang nakakita sa akin noong dinakip ako ni Sage.

"Nakakainggit! Palit nga tayo ng face!" si Lucy at inilapit ang mukha sa akin.

"Eh di ginawa mong aso si Sabrina," basag naman ni Angel.

"Tirisin kita dyan eh. Kutong kupal," ismid naman ni Lucy.

Natatawa na lang ako sa bangayan nila.

Natigil kaming apat nang may kumatok sa pintuan kasabay nun ang boses ni Sage.

Nagsinghapan ang mga kasama ko.

"You left this in the car," ani Sage pagkabukas ko ng pintuan.

He was holding the bag where I put my undergarments.

"T-Thanks" wika ko. Hindi ko alam kung para saan ang hiyang nararamdaman ko. Hindi naman niya siguro tiningnan ang laman ng bag ko?

"They're all black," usal ni Sage na nagpatigil sa akin sa pagsara ng pintuan.

"A-Ano?"

"Your undies are all black. How I want to see you wearing those," nakangisi niyang wika sabay sulyap sa maliit na bag na hawak ko.

"U-Umalis ka na nga!" Pabalibag kong isinara ang pintuan.

Rinig ko pa sa labas ang halakhak niya. Nag-init ang ulo ko. Ba't ba niya binuksan pa? Ano kayang pagsisiyasat ang ginawa niya? Ipinilig ko ang aking ulo.

"Eeeehhhh!!" tili nilang tatlo.

Kinutusan ko sila dahil nakakarindi na ang ingay nila. "You're overreacting. It's just Sage."

"Are you even listening to yourself? It's Sage. The great Sage!" si Angel.

Pffttt. Anong great?

"But seriously, anong meron kayo? You're fully aware that he's with Agatha right?" seryosong tanong ni Alex na nakaupo sa settee at pinipinturahan ang mga kuko.

Wala akong maapuhap na sagot sa tanong niya dahil ako mismo ay hindi rin alam ang sagot. Ano nga bang meron kami?

"Hayaan mo na lang sila! Mas bagay naman sila kesa dun sa malditang yun!" si Angel.

Nagkibit balikat lang si Alex at hindi na nagsalita pa.

Pagpatak ng dilim ay sinimulan na namin ang pag-ihaw para sa kakainin namin. Isa ako sa nag-iihaw at kasama ko ang dalawang kaibigan nina Lucy. Ang mga babeng kaibigan nina lucy ay nasa dagat at lumalangoy.

Pasimple kong sinulyapan si Sage na nakaupo sa may mahabang lamesa at umiimon ng beer.

He's with the boys, and a girl. Aliyah ata ang pangalan.

Binaliktad ko ang iniihaw na pusit nang hindi inaalis ang tingin sa dalawa.

Nakatwo piece ang babaae na pinatungan ng isang see-through dress. Nakaupo ito sa tabi ni Sage at malagkit na nakatitig. Napapakagat labi pa. Bakit 'di kaya sumama ang isang ito sa iba na nasa dagat?

A Glimpse Of Hell (COMPLETED)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz