Chapter 19

37 2 2
                                    

Sabrina's POV..

Nagmulat ako ng mata at natagpuan ko ang sarili sa isang paraiso. Maraming bulaklak at nagliliparang paru-paro. Ang simoy ng hangin ay napakabango. Na gugustuhin ko na lang manatili rito.

Ipinikit ko ang mata at pabagsak na humiga sa mga damo. Nagsiliparan ang mga paru-paro dahil sa pagbagsak ko. Ngumiti ako at nagmulat ng mga mata. Sumalubong sa akin ang asul na kaulapan na kasing tingkad ng kulay ng mata ng aking sinisinta.

"Bree," tawag sa akin ng isang malamyos na boses.

Napabalingkwas ako ng bangon at tinitigan ang babaeng nasa aking harapan.

Mahaba ang buhok niya at tulad ko, ito'y alun-alon. Pananabik ay di naitago sa kanyang mukhang napakaamo.

Ang mga mata niya'y luntian katulad ng damo. Bumilis ang pintig ng aking pulso. Tumalon sa tuwa ang aking puso. Ito na ba ang tinatawag nilang lukso ng dugo?

Lumapit siya sa akin at niyakap ng mahigpit. Tumulo ang luha ko sa tuwa at sakit. Isa man siyang estranghero sa aking paningin, sa puso ko'y importante siya para sa akin.

Ang pakiramdam na ito. Ang yakap niyang buong suyo. Ito ang hinahanap-hanap ko. Ang pagmamahal ng isang ina na kailaman ay hindi ko....nadama.

"Sabrina!"

Malakas na yugyog sa aking balikat ang nagpagising sa akin mula sa aking panaginip. Una kong nakita si Lucy na umiiyak. Sa likod niya ay sina Alex at Angel na nag-aalala ang mga mukha.

"Umiiyak ka," naluluhang wika ni bakla.

"H-Huh?" Kinapa ko ang aking pisngi at tama nga siya, basa ito sa luha. Naalala ko ang panaginip ko. Ramdam ko pa rin sa dibdib ko ang pinaghalong saya at lungkot.

Para siyang totoo.

"Tulala ka na diyan. Okay ka lang?" tanong sa akin ni Angel.

"Ahmm. Yeah?" Bumangon ako mula sa pagkakahiga. Napahawak ako sa ulo dahil sobrang sakit nito.

Binigyan ako ni Alex ng isang baso ng tubig.

Tinanggap ko ito at uminom. "Anong nangyari?" maya-maya'y tanong ko.

Malabo pa kasi ang aking isipan kaya hindi ko alam kung bakit nandito ako sa hospital at nakasuot ng hospital gown.

"Wala ka bang maalala?" tanong ni bakla.

"Medyo malabo pa. Sumasakit lang ang ulo ko pag pinipilit kong alalahanin ang nangyari."

"Hindi kami ang dapat magsabi ng nangyari. Pero alam mo bang tatlong araw ka nang natutulog? Pang apat ngayon pero salamat at nagising ka na," salaysay ni Alex.

"Ano?!" gulat kong sigaw.

Tatlong araw akong natutulog?! Ano ba kasing nangyari sa akin? Ang huli kong natatandaan ay noong nasa comfort room kami at pinagkakaguluhan. Sa kakatulog ba ay nagkaroon na ako ng amnesia? Tss.

A Glimpse Of Hell (COMPLETED)Where stories live. Discover now