Chapter 20

33 2 0
                                    

Nagising ako mula sa pagkakatulog dahil sobrang kirot ng aking kanang dibdib. Pagmulat ko ng mata ay wala akong makita. Puro kadiliman. Nagpanic ako. Sa pagkakatanda ko ay nakabukas ang ilaw ng lampshade bago ako natulog.

Kinapa ko ang lamesa at ang lampshade. Mainit ito. Palatandaan na naka-on.

I stilled when I felt that someone sat beside me. Malamig ito. Nakakatindig balahibo. Bigla ang pagpasok ng aking alaala sa eksena noon sa kusina.

Oh no.

"Ate.." bulong ng isang tinig sa aking tenga. Namanhid ako sa takot. Lumutang ang ulo ko sa kaba.

Nangangatal man ang labi ay pinilit kong magsalita. "W-Who's there?!" sigaw ko kahit na alam kong katabi ko lang ito.

"Ate..." bulong niya ulit.

Bumalingkwas na ako mula sa pagkakaupo sa kama at tinungo ang pintuan para lang mauntog sa pader.

Punyeta talaga! Kung bakit ba kasi wala akong makita!

Sumandal ako sa malamig na pader. Lumalagubok sa kaba ang aking puso. Ramdam kong sinundan niya ako.

Hinaplos ng malamig niyang kamay ang mukha ko.

"HAZELLLL!!!" malakas kong sigaw. Tumutulo na ang luha ko. Shit! Sana gising pa siya at marinig ako.

"HAZELL!!" ulit ko. Wala akong magawa. Nangangatog ang aking katawan sa kaba.

"Go away..." bulong ng multo.

"YOU go away!" lakas loob kong sigaw.

Lalo siyang lumapit sa akin. Naaamoy ko na ang amoy niya. Malansa. Parang dugong natuyo.

"You're gonna die here..."

Hinawakan ko ang aking dibdib dahil hindi na ako makahinga.

KABLAG!!

Bumukas ang pintuan kasabay ng aking paningin. Binaha ng liwanag ang buo kong kwarto.

Napakurap-kurap ako. My vision returned.

"Gabing-gabi sumisigaw ka pa!" bulyaw ni Hazel sa akin na nakahawak sa balakang. Hindi ko siya pinansin at umiyak lang ako.

"Oh? Anong nangyari sa'yo?" takang tanong niya nang makitang nakalugmok ako dito sa sahig.

"Merong multo! Minumulto ako!" 'di magkanda-ugaga kong sabi sa kanya.

"Anong multo?" kunot noo niyang tanong.

"Ghost! A ghost!" nanlalaki ang mga mata kong wika.

"Hibang ka ba? Anong multo ang pinagsasabi mo? Walang multo dito. Matulog ka na nga."

"Hindi ako hibang! May multo talaga dito. This is the second time that I encountered that girl! She told me to go away. That I will die if I stay here!"

Natigilan si Hazel sa sinabi ko. "Anong itsura ng multo?" Seryoso na ang itsura niya ngayon.

Napapailing na sinapo ko ang aking noo. "She's a little girl. Mahaba ang buhok niya. Nakasuot siya ng white dress na duguan. Her big eyes were hazel brown like yours," salaysay ko habang inaalala ang itsura ng batang multo mula sa nakita ko noon sa kusina.

Padarag na isinara ni Hazel ang pintuan. "Brown eyes like me?"

Tiningnan ko siya at maputla na ang mukha niya.

Nahahapo siyang umupo sa harapan ng aking tokador habang nakaharap sa akin.

"A-Ano pang sinabi?" nauutal niyang tanong. Nagtaka ako dahil ngayon ko lang nakita na balisa ang kanyang mukha.

A Glimpse Of Hell (COMPLETED)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ