She murmurs something.

"Sa Southeast Hill siya nag-aaral," ulit ko.

Biglang kumunot ang noo niya. "Gago ka ba? Nandiyan pala sa tabi-tabi tapos kung ano-ano pinapagawa mo sa akin," naiiritang sabi niya.

"I didn't know, okay?! My brother never told me, simula nang bumalik ako galing Australia."  Matagal ko na siyang tinatanong pero ayaw akong sagutin ng maayos. Akala mo naman may mahal na babayaran kapag nagsalita siya.

Sa Australia din ako nag-aral like module for the meantime. Ayaw ko man sumama kaso pinilit ako ni Mama. Kasama ko naman doon ang nag-iisang secretary niya at iyong dating babae yata ni Kuya. Ah, I don't know.

At saka, ang dinig ko noon nasa ibang lugar daw noon si Darlene. 'Yon pala nasa Laguna at nakikipagbakbakan.

"Pero halatang close kayo, ah?"

I wish I could say that. "Not that close..." I said. "Well, yes, before. Nagbago ang lahat dahil sa pangyayari noon."

Hindi na siya nagsalita o nag-tanong. Nangako siyang susundin niya ang sinabi ko.

"Promise!" Sigaw niya bago umalis.

Siguraduhin niya lang talaga dahil totohanin ko talaga ang sinabi ko.

***

Gianna

Gustong gusto ko nang umuwi! Nakakapagod din makipagsampalan 'no?! Tapos sobrang sakit pa! Nanood lang ako kung paano banatan ni Ed si Rafael. May pasa na sa mukha si Rafael. Ito namang si Tricia ang ganda ganda!

Sayang sinampal ko siya sa kanina.

"Bitawan mo na ako!" Nagpupumiglas siya.

"I'll stop the wedding no matter what happens!" Nanggigil na saad ni Rafael. "I'll prove to her parents that I love her more than anything!"

"Paano mo gagawin 'yon kung sang-ayon na ang lahat sa kasal?" Ngumisi si Ed.

"Lahat sigurado ka? Paano naman ang papakasalan mo? Sang-ayon ba?" Pinunasan niya ang dugo sa labi niya.

Burn, gago.

"Ano ka ba?" Bulong ko dito kay Tricia. "Chillax ka lang, sorry nga pala sa sampal."

Namumula kasi ang pisngi niya. Napasobra yata ang pagkakasampal ko.

Nagulat na lang ako nang dumaing ang mga kasama ko. At mas lalo akong nagulat nang makitang nasa lapag na sila. Napatingin ako sa harap. Ibang klase talaga ang mga 'to!

"Tangina, tumigil ka nga!" Napaangat ako ng tingin sa babaeng nag-salita.

Fuck shit... siya 'yong babaeng kapatid ni Darius! Mas maganda pala siya sa personal.

"Hoy! Hindi mo ba sila aawatin?!" Lingon niya kay Phoenix.

Umiling lang si Phoenix. "Hayaan mo na sila. Manood ka na lang kasama ko kung gusto mo." Ngumisi pa nga.

Tsk! Yari 'to kapag nalaman ni Darius! May dumidiskarte sa kapatid niya!

Napairap na lang si Darlene. "Bitawan mo," utos niya sa akin.

Ni head to foot ko siya para tingnan. Mas maangas ang dating niya kaysa kay Darius. At syempre maganda rin!

"And who are you?" Kunyaring mataray kong tanong bago mag-taas ng kilay. Ang hirap pala no'n! Hindi ako sanay magtaas ng kilay, e.

"Darlene."

"Miranda?" Kusa na lang lumabas sa bibig ko 'yon pero ngumisi ako bago itulak si Tricia.

Halata sa itsura niya na naguluhan siya.

The Girl in Worst Section (Completed)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt