"So, kayo nga ba—"

"Sa tingin mo ba kami ang nag utos no'n?!" Salubong na sambit ni Harvey.

"May video kami. Knights ang sinabi. Kayo ang Knights, 'di ba?"

"May galit si Edmark sa akin, malay ko bang ganyan siya gumanti," galit na sabi ni Rafael. "Tanginang Edmark 'yon, sa sobrang takot, sa iba humanap ng tulong. At talagang sinugo ang sarili! Ang galing!" Sarkisto niyang sinabi.

Para siyang ibang tao kumpara kaninang umaga. Parang ready na siyang manuntok anytime pero pinipigilan niya lang ang sarili niya.

Sila ang tinutukoy na knights. Ano meaning no'n? Hay, ang dami ko naman nalalaman ngayong araw.

"Umamin na lang kayo!"

"Wala nga kaming aaminin!" Sigaw ni Owen. . . yata ang name niya.

"Edi mapipilitan kami," sabi nila at akmang susuntukin si Phoenix pero napigilan niya.

Nasalo ni Phoenix ang kamao niya at si Phoenix ang sumuntok sa mukha. Bumagsak na agad ang lalaki dahil sa suntok niya pero pinilit siyang tinayo ni Phoenix.

Nagsimula na rin silang mag away at samantalang ako ay nasa likod pa rin ni Trevor at hindi hinahayaan madamay sa digmaang nangyayari. Panay ang palitan nila ng suntok. Nakita ko pa ang pag-ngisi ng isang lalaki habang si Arvin ay parang pikon naman.

Nalipat ang tingin ko sa harap.

"Nix!" Sigaw ko nang muntik na siyang dalihin sa head niya. Mabuti ay tumakbo ako para sipain ang lalaki dahilan para bumagsak sa sahig kasabay no'n ay ang pagbagsak ko rin sa sahig.

Ouch, tumunog yata ang buto ko.

"Fuck," narinig kong bulong ni Phoenix ng bumagsak ako sa katawan niya.

"Ouch." Literal, ang sakit. "'Yong buto ko, putangina"

Tiningnan ko siya. Freak! Sobrang lapit niya sa akin. Hindi na ako naghintay ng sasabihin niya at tumayo na lang.

"Napakabigat mo!" Inis niyang sabi at nilahad ang kamay para tulungan ko siyang tumayo.

Nagdadalawang isip pa ako pero tinulungan ko na. Inis ko siyang hinila.

"Napaka-kapal naman ng mukha mong letche ka!"

Hindi siya sumagot at sinuntok ang lalaking may hawak na kahoy kanina. Palitan ang suntok na nagaganap sa harap ko. Parang nagkaroon ng war dahil maraming lalaki ang dumating at sa tingin ko ay hindi pa 'to matatapos.

Ang daya! May back-up!

"Madumi kayo makipaglaban," sabi ni Trevor at pinunasan ang dugo sa labi.

"Alam kasi nilang hindi sila mananalo sa atin," mayabang na sabi ni Dash at inayos ang uniporme.

Hindi sumagot ang mga nasa harap namin. Tumawa sila habang ang tingin ay nasa amin. Masama 'to, ah. Kaagad na sumugod ang mga kalaban nila Phoenix at parang tanga akong nakatayo lang.

"Umalis ka na rito," bulong ni Harvey.

"Umalis ka na rito!"

Napahawak ako sa ulo ko. Sino 'yon?

"Darlene, umalis ka na! Sasaktan ka nila!" Pilit akong hinihinila ni Harvey

"Umalis ka na! Sasaktan ka nila!"

Ang sakit sa ulo. Nag-eecho ang boses sa ulo ko.

"Darlene." Hinawakan ni Dash ang balikat ko.

Hindi ako pwede umalis! Ililigtas ko siya.... baka mamatay sila kung iiwan ko sila... marami sila. Parang nagkaroon ng imahe sa utak ko. Madilim. . . duguan siya. Papatayin siya ng mga kasama namin.

The Girl in Worst Section (Completed)Onde histórias criam vida. Descubra agora