"Gusto mong kumopya, Darlene?" mahinang tanong ni Arvin.

"Mas gugustuhin ko pang bumagsak kaysa ang mangopya," sagot ko at umayos ng upo.

Pinasa ko na lang kay Finn ang papel ko kahit konti pa lang ang nasasagot ko. Mabuti na lang talaga ay mabilis natapos ang klase namin sa math kaya lunch break na. Gano'n pa rin ang balak nila, balak nilang kumain sa labas ng sila-sila lang.

Hindi ako dadalhan ng pagkain ni Alexis ngayon dahil day-off niya. Panigurado ng nasa girls na naman niya siya. Si Kuya ang kasabay kong kumain ngayon! Inayos ko ang gamit ko para makalabas na.

Nasa harap ko sila at nag-aasaran. Naguguluhan na nga ako sa mga sinasabi nila, e. Hindi ko kasi gets.  Halatang inis na si Harvey at Arvin sa pambi-biwisit ng mga 'to.

"Ulol ka! Mas malaki 'to! Alam niyo bang marami ang nagkakandarapa nito map—" Hindi natuloy ni Owen ang sasabihin nang tapalan ni Phoenix ng papel ang bibig niya.

"Amomhhaa hmmm. Kadiri!" singhal niya. "Parang tanga, Nix!"

"Magkandarapa saan?" Nag-angat ako ng tingin sa kanila.

Napatigil silang lahat.

"Sa... ano... basta. Huwag mo na lang 'yon itanong." Iniwas ni Dash ang tingin sa akin.

Tumango ako sabay tapos ng ginagawa.

"Baka nanlalagkit ka pa sa slime," pambibwisit ni satanas na nagngangalang Phoenix, ngumisi pa siya.

"Baka gano'n ka rin," sagot ko.

"Mas lamang ka lang halos ipaligo mo nga, 'di ba?" Pang aasar pa niya. "Marami pang naghihintay sa 'yo, so prepare yourself," aniya bago umalis.

Kaagad na sumunod sa kaniya ang iba. Teka, ano ang ibig niyang sabihin na marami pang naghihintay sa akin? At bakit kailangan kong ihanda ang sarili ko?! Napaisip ako, mukang alam ko na. Hay, balak yatang dagdagan ang balak no'n sa akin.

"Kumain na kayo do'n," sabi ko sa tatlo. "Kasabay kong kumain ang kapatid ko ngayon. Una na ako baka naghihintay na 'yon."

Iniwan ko sila at pumunta sa harap ng school para hintayin ang kapatid ko. Bumili muna ako ng bubble gum sa cafeteria para naman may nginunguya ako. Napatingin ako sa gate, nandoon pa din ang mga kaklase ko. Hindi ko na sila pinansin at pumunta na lang din do'n pero syempre malayo sa kanila.

Sumandal ako sa poste. Hindi ko pinansin ang mga tumitingin sa akin. May naupong kalalakihan sa likod ko kaya nilingon ko. Tahimik naman sila pero pakiramdam ko ay may ginagawa sila kaya lumayo ako ng konti.

Hindi na dapat ako mapapansin ng mga gunggong kung hindi lang ako tinuro ni Rafael sa pwesto ko. Punyeta talaga, lumapit sila sa akin na parang wala silang ginawa kanina. Ang baho ng slime sa totoo lang. Halos ipaligo ko ang pabango ko para lang mawala ang amoy.

"Hoy, ano ang ginagawa niyo?" Maangas na tanong ni Finn sa mga kalalakihang nasa likod ko.

Nilingon ko 'yon at may hawak na cellphone ang lalaki.

"W-Wala!"

"Wala? Pini-piktyuran niyo kaya siya," salubong ang kilay ni Gael.

"Hindi—"

"Dito ka nga." Hinila ako ni Trevor palayo.

"Hindi? Halos video-han niyo na nga," seryosong sabi ni Dash.

"We all see you. Don't deny it." Pati si Phoenix nakisali rin. "Delete the picture," maotoridad niyang utos. "Now."

Dinelete naman ng mga lalaki ang picture pati sa recently deleted. Sinecured talaga nila.

The Girl in Worst Section (Completed)Where stories live. Discover now