From: Father Dragon
Stop cursing, Lin! How many times do I have to tell you to stop cursing?

Napakamot ako sa noo.

Titigil lang ako sa pagmumura kapag may taong hahalik sa labi ko sa bawat mura ko. Choz. Parte na yata ng pagkatao ko ang pagmumura pero hindi ako masamang tao. Hindi naman kasi porket nagmumura ka, eh, masama ka ng tao.

Pero minsan 'yong pagmumura sa tao nakakasakit ng damdamin kaya minsan iwasan na lang natin ang gano'n. Pero sa case ko, ewan! Cussing is life!

To: Father Dragon
Okay! Okay! Hindi na. Padalhan mo na lang ng pagkain. Gutom na ako. Gusto ko ng pizza at ng milk tea. Thanks!

From: Father Dragon
Fine, Alexis is on his way. Wait for him. I'm at a meeting, stop replying.

Sabi na, e. Si Alexis 'yon! Tinali ko ang buhok ko at inayos ko ang damit ko. Lumingon ako nang mapansin ang mga tingin nila. Si Phoenix, mukhang tanga na nakatingin sa akin.

"Ano ang tingin na 'yan?" Tanong ko sa kanila. "Mukha kayong tanga," dagdag ko.

Inayos ko na ang gamit ko para pumunta sa labas. Doon na lang ako maghihintay sa labas ng gate.

"Wow, ah. Maka-tanga," bulong ng isa.

"Mukha naman kasi talaga tayong tanga."

"Huwag mo nga kaming idamay, Marquez!" Sigaw nila at bumalik sa mga ginagawa.

Napatingin ulit sila sa akin mga hunghang nang tumayo ako habang dala ang bag ko.

"Sasama ka sa 'min?" tanong ni Arvin.

Nangunot ang noo namin ni Phoenix.

"Hindi ah," sabi ko at binuksan ang phone.

"No way!"

Sabay kaming dalawa nagsalita. Inirapan ko siya. First day na first day ko pa naman tapos bumungad sa akin ang kademonyohan niya.

Batuhin ba naman ako noong parang bato na candy. Tapos pagharap ko ibuhos ba naman sa akin 'yong tubig sa bote. Pasalamat siya at hindi masyadong nabasa ang uniporme ko.

Tapos itong iba naming classmate nakisali pa. Sa halip na awatin pero hindi ginawa! Batuhin ba naman ako ng mga chalk? At pasalamat sila hindi ko pa pinapakita ang ugali ko. Kailangan kong magpakabait para hindi matuloy ang balak ni Papa dragon.

Akala ko pa naman mabait sila pero hindi! Balak pa yatang palayasin ako sa klase nila. Tss, kung kaya nila! Pero, stay chill pa rin ang peg ko pagkatapos no'n.

Lakas kasing manggago ni satanas. Bigyan ba naman ako ng mga kaklaseng lalaki? Tapos. . . ang popogi pa. Lalo na si Phoenix.

'Yong iba hindi rin ako pinapansin. Tanging sila Dash, Harvey at Arvin lang. Hindi ko alam kung bakit. Gusto ko lang naman mag aral at magkaroon ng kaibigan. Masama ba 'yon?

"Huwag na natin siya isama," narinig kong sabi ng kasama nila.

Sumang ayon ang iba.

Edi 'wag.

Ang sama nyo. Naiiyak ako! Sino kayang nanakit sa kanila at ganyan ang trato nila sa akin? Sakit, ah!

The Girl in Worst Section (Completed)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin