Prologue

2.4K 28 0
                                    

"The first day we met, frozen I held my breath. Right from the start, I knew I'd found a home for my heart."
                     - Christina Perri

Last month before my High School Graduation, nagpunta ako sa isang sikat na state university para i-file ang entrance exam form ko. Dumaan ako sa isang hallway nila, nang may madaanan akong babae in her mid forties, nakakapit sa wall. Para na siyang mahihimatay. Always a Girl scout, laging matulungin, so to the rescue ako.

"Ma'am, are you alright?" sabi ko. Inalalayan ko siya na makaupo sa isang bench sa hallway.

"I guess so, bigla kasi akong nahilo," mahinang sagot niya sa akin.

Pinaypayan ko siya, "Would you like me to take you to the clinic? offer ko sa kanya, as if alam ko kung saan yun.

Tinignan niya ako pagkatapos ay nginitian, " It's alright, hija! My son is on his way. Thank you!" Wow! Ilang taon na kaya siya, napakinis at napakaganda niya, very sophisticated ang dating. Mukhang professor siya.

"I can keep you company kung gusto niyo po baka mahilo uli kayo," offer ko uli.

"Hindi na, hija! Baka mahirapan kang makasakay pauwi, malapit ng rush hour," nakangiti niyang sabi. "But, thanks again."

"Are you sure, ma'am?" tanong ko uli sa kanya. Nginitian lang niya ako at tumango.

Mga ilang dipa pa lang ako nang may narinig ako, "Mom, what happened? Who are you talking to?..."

Hanggang doon lang narinig ko, ni hindi ko nga nilingon man lang although I was fascinated by his voice, a deep baritone, forceful and sexy.

By the way, my name is Maria Labrador. Call me Arya. At ito ang love story ko.

I Love You, My Handsome Prof!Where stories live. Discover now