Chapter 49: Notes

493 24 2
                                    


Leah's P.O.V

"We're here," anunsyo ko dahil mukhang wala atang balak si president lumabas ng taxi dahil nakatulala lang ito at malalim ang iniisip.

I wonder what's on her mind.

Is it me?

No! Its Elisa!

Fuck!

Tinapik ko nalang ito at tinuro ang bahay ni lolo. Nang mapagtanto niyang nandito na kami ay kukuha na sana ito ng pambayad ngunit pinigilan ko ang kamay nito. Agad ko rin namang binawi dahil nakaramdam ako ng kuryente sa paghawak ko like before. Tsaka baka iwaksi niya ulit. Tss.

"Ako na," sabi ko at hindi naman na ito nangulit.

Siguro wala siyang pera?

Nang makababa na ito ay sinabi ko kay manong ang pauwi sa bahay ngunit hindi pa man kami nakakaalis ay may kumatok sa bintana.

"Why?" seryosong tanong ko ngunit lagpas ang tingin sa kanya nang makita kong nasa labas narin ang kumag kong pinsan kaya napakuyom ako ng kamao ko. Nakangisi kasi ito ng nakakaloko sakin.

"Hindi ka ba bababa?" Napairap ako sa tanong niya at hindi siya pinansin. Tumingin nalang ako sa driver dahil nakatingin din ito samin.

Is she kidding me?

"No but thanks," wala ng emosyong sagot ko.

"Sige. Ingat," paalam nito na ikinabigat ng damdamin ko.

Fuck! Is she numb?


Padabog akong nahiga sa kama ko ng makarating ako. Nagtalukbong narin ako ng kumot dahil ang sama sama ng pakiramdam ko. Feeling ko lalagnatin ako. Ang init din ng nararamdaman ko dahil sa inis at galit.

Why she's being like that? Parang bumabalik na siya sa dati na hindi ako pinapansin. Did I do something wrong?

Yeah! I know na iniiwasan ko siya but bakit siya rin?! Is she mocking me?

Fuck!

I don't want to feel this feeling anymore...

Kapag siya lumapit lapit sakin mas lalong hindi ko siya papansinin!

Bahala siya sa buhay niya!

Lumipas ang isang oras ng pagmumukmok ng may kumatok sa pinto ko. Hindi ko ito pinansin at nagmaang-maangang natutulog.

"Bu-Leah?" Biglang bumilis ang puso at mabilis pa sa alas kwatrong pinagbuksan siya.

Fuck!

Diba sabi ko hindi ko siya papansinin? You are so noob Leah! One hour palang ang nakakalipas for pete's sake!

"What? Ang aga mo ata?" walang gana kong tanong pero deep inside nagwawala na ang sistema ko.

What's wrong with me?!

"Yung notes ko lang naman ang sadya ko. Tara review?" aya nito na ipinagtaka ko.

Why she's talking me now like nothing happened? And what? Notes? I thought! Fuck!

"W-what? I don't understand," naguguluhan kong tanong sa kanya.

Bakit ko pa kasi binuksan ang pinto! Kasalanan ko rin. Tss.

"Hindi ka bobo bully. Sabi ko magreview tayo may quiz tayo after holiday." Napairap ako sa sinagot niya at hindi pinansin.

Really? Bakit ganyan siya? And what?! Me bobo? Siya slow! Manhid!

"I thought you want to be with Elisa," sabi ko nalang dahil totoo naman duh! Pasalamat siya at wala ko sa mood makipagtalo.

"Kinuha ko nga lang yung notes ko sa kanya." May binulong-bulong pa ito na meron siyang gustong makasama ngunit hindi ko naman maintindihan. Bahala siya!

"Eh ano naman kung kinuha mo as if I care! And what!? Minumura mo ba ko?!" mataray kong tanong dahil napaka-ewan niya!

"Sabi ko mas gusto kitang kasama," sarcastic nitong sagot pero hindi ko alam ang irereact ko kaya napatingin nalang ako sa mga mata niya habang pinipigilang huwag mapangiti. Fuck! Bakit ako ngingiti? Pero nakita ko na ganon din naman siya mukhang nagpipigil kaya bago pa ako makangiti ay tumalikod na ako at bumalik sa kama saka nahiga.

Am I crazy? Kanina galit tapos! Damn! Its her fault!

"Okay," nasabi ko nalang dahil speechless talaga ko.

Ano bang tamang isagot? Na I want to be with her also?

No way! I'm not like that!

Tsaka galit pa ako sa kanya! Ilang months niya kong hindi pinansin tapos ngayon? Hays. Bakit kasi ganon ang pananalita niya? At bakit naman mas gusto niya ko kasama? I'm so confused!

"Kala ko ba magrereview tayo, bat ka nakahiga?" tanong nito at umupo narin sa paanan ng kama ko.

Gusto ko mang huwag siyang sagutin ngunit kusa nalang bumubuka ang bibig ko.

Fuck this fucking mouth!

"Akala ko rin ba gusto mo kong makasama?" tanong ko rin at pinigilang huwag mautal habang kagat ang ibabang labi kom

Napakinig ko naman na bumuntong-hininga siya at ramdam kong humiga narin siya sa tabi ko.

Ayaw niya bang katabi ako? Tss

Nakatalikod ako sa kanya ngayon at hindi ko alam kung anong posisyon niya. Gusto ko man siyang tingnan ay huwag nalang dahil hindi ko parin nakakalimutan ang mga ginawa niya kahit na nagkausap kami ngayon.

Hindi ako marupok!

Ilang sandali pa ay naramdaman ko ang init ng yakap niya mula sa likod ko. Ang kamay niya ngayon ay nasa tiyan ko at hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Feeling ko sasabog ako sa sobrang kaba na ewan anytime. Nararamdaman ko narin ang tibok ng puso niya dahil sa sobrang lapit. Hindi ko alam pero napangiti nalang ako ng kusa.

Walang namutawing salita sa pagitan namin at hindi rin nagtagal ay kumalma na ang sistema ko. Nakakaramdam narin ako ng antok at komportable sa yakap niya ngunit bago pa man ako kainin ng antok ay may binulong siya sakin.

"Miss na kita bully... sobra," sincere nitong bulong kaya biglang nawala ang antok ko at nakaramdam ng kirot sa bandang dibdib.

It means na I'm not the only one na nakakaramdam non?

Ewan ko rin pero bigla nalang akong napaluha at nakaramdam ng saya.

I hate her for making me feel this way.

Humarap na ko sa kanya at kita ko ang gulat sa mga mata nito ngunit biglang napawi ng makita niya siguro ang konting butil ng luha sa mga mata ko. Napatingin naman ako sa mga labi nito na hindi alam kung bubuka ba o hindi.

"B-bakit k-ka---" Hindi ko na siya pinatapos dahil siniil ko na siya ng halik habang maingat na hawak ang kaniyang kanang pisngi.

---
Thank you for reading❤

Down Side Up (GxG Story: Completed)Där berättelser lever. Upptäck nu