Chapter 30: Absent

1.2K 47 2
                                    

Leah's P.O.V

"Hala ano kayang nangyari kay president? Apat na araw na siyang absent ah." Kinabahan ako sa sinabi ni Karla.

Uwian na kasi at balak naming mamasyal besides friday na. Hindi sana ako sasama sa kanila pero yung dalawa namblackmail nanaman at nagpaawa pa. Gusto ko sanang puntahan si president pero nagdadalawang isip rin kasi ako dahil sa nangyari samin.

"Kaya nga as far as I know, hindi siya pala absent like us hahaha."

"Anong like us? Baka kayong dalawa lang ni bes! Wag mo kong idamay!"

"Edi wow, dati nga niyaya tayo ni bes. Nong una ayaw mo pero nademonyo ka rin naman hahaha. Wag ako Karla." Natawa naman ako kahit papano sa sinabi ni Van. Si Karla naman nag-make face lang.

"Tama na nga yan, san ba tayo pupunta? Sa Mall nanaman?" tanong ko at tumango-tango naman sila. Napatampal tuloy ako ng noo ko.

"Bes bakit parang ang tamlay mo? Hindi ka naman ganyan ah? Ayaw mo ba kaming kasama?" tanong ni Karla at napairap naman ako sa tanong niya.

"Ano bang klaseng tanong yan? Let's go na nga," aya ko nalang at mag-iisip bata nanaman yang dalawa. Tss.

Napapagdesisyunan naming sumakay sa sundo nilang dalawa. Siguro magpapasundo nalang ako kay Manong Elmer mamaya o kaya magtataxi nalang ako. Sa passenger seat umupo si Van at kami namang dalawa ay sa likod.

Hindi nagtagal ay umalis narin kami at yung dalawa panay lang ang pindot sa cellphone samantalang ako nakatingin lang sa labas. Sa totoo lang wala ko sa mood, mula nong hindi pumasok si president. Hays. Halos isang buwan na nga pala kong ganito. Tss. I want to go back in myself! In real me! Ang boring ng life ko kapag ganito ako. Fuck!

Habang nanonood ako ng tanawin mula dito sa loob ng sasakyan may napansin ako. Akala ko namamalik-mata lang ako pero hindi. Nakaramdam tuloy ako ng galit.

"Stop!" sigaw ko kaya napapreno bigla yung driver.

"What the fuck Bes! What's wrong?" galit na bulyaw ni Karla.

Hays. What now?! Leah isip!

"I forgot something! I think next time nalang?" palusot ko.

"What?!" sabay na sabi ng dalawa.

"Sorry na mga bes, it's really important."

"Hays. Sige na nga, hatid ka nalang namin pabalik."

"No! I mean, magtaxi nalang ako. Kayo nalang dalawa maggala. Enjoy!" paalam ko at hindi na sila pinasagot dahil dali-dali akong lumabas ng sasakyan.

Hinintay ko munang makaalis sila bago nilapitan yung ale na sumampal kay president.

Akmang sasampalin ulit nito si president pero pinigilan ko ang kamay nito.

"Don't you dare to lay your hands on her," madidiing sabi ko sa ale na ang pangit naman. Ang kapal ng make up kasing kapal ng mukha. Sino siya para sampalin si president?

Tinaboy ko ang kamay nito at masama ako nitong tiningnan. Si president nakatingin narin sakin kaya bigla naman akong nahiya at kinabahan. Napalunok nalang tuloy ako at iniwas ang tingin sa kanya dahil feeling ko namumula ako. Fuck!

"Sino ka ba? Bakit ka namamakeelam?! Wag mo nga kong inglisin!" galit na bulyaw sakin nong ale.

"You don't need to know," cool na sabi ko.

"Ano?" inirapan ko nalang siya dahil wala kong pakielam sa kanya. Ayoko mag-ubos ng laway sa walang kwentang tao.

"Hay ewan ko sayo! Hindi kita maintindihan! Ikaw mula ngayon tanggal kana sa trabaho!" baling nito kay president at padabog na umalis.

Down Side Up (GxG Story: Completed)Where stories live. Discover now