Chapter 33: Juan?

1.2K 56 2
                                    

Chapter 33

Leah's P.O.V

"Aalis na ko."

Kinusot-kusot ko ang mga mata ko dahil napakinig ko ang boses ni president.

Ano aalis na siya?!

"Teka, hindi ka pa ata magaling ah?" inaantok na tanong ko rito pero hindi naman siya sumagot kaya namumungay na tiningnan ko siya. May suot na siyang bag.

"Saan ka naman pupunta? Akala ko ba ayaw mo muna umuwi?"

"Maghahanap ako ng trabaho," simpleng sagot niya kaya natigilan ako.

"Papasok ka pa ba?"

"Siguro titigil nalang muna ako." Nanlaki ang mga mata ko sa sinagot niya.

"No! Sayang naman!" Napairap naman siya dahil sa sinabi ko.

"Sige na, aalis na ko. Hindi ko naman kailangan ng opinyon mo."

Aalis na sana siya pero pinigilan ko ito at hinawakan sa kamay. Parang nakuryente nanaman tuloy ako. Umagang-umaga! Hays, Leah isip!

"Sa-sakin ka nalang magtrabaho. Yeah, r-right?" Fuck, bakit nauutal ako.

"Ayoko, sige na."

"P-pupuntahan ko ang mom mo at tatawagan ko si ate Rhea kapag umalis ka!"

Fuck! Am I blackmailing her?

"Bakit ba ayaw mo kong paalisin?" seryosong tanong nito, kinabahan tuloy ako.

"Wag mong sabihing--"

"Fuck you! Ayaw lang kitang mapahamak!" napangisi siya sa sinabi ko. Bitch! Anong nginingisi-ngisi niya.

"We're not friends, don't act like you care for me." Bakit parang nasaktan ako sa sinabi niya?

"Edi sige umalis ka, tatawagan ko si ate Rhea," seryosong sabi ko at akmang kukuhanin ko na yung cellphone sa table pero inunahan niya na ko.

"Akin na!"

"Promise me na hindi mo sasabihin kay ate at ibibigay ko to sayo. Grow up!" Umiling lang ako sa sinabi niya kaya nag-agawan kami sa cellphone.

Tinaas niya ito pero abot ko naman kaya nakuha ko. Napangiti tuloy ako ng palihim. Hays! Hinapo ako sa nangyari at isama pa ang lapit ng pagitan naming dalawa. Lumayo na ako dahil napatingin ako sa labi niya at bago pa kung anong magawa ko, umupo nalang ako sa kama. Nagtaka ako dahil ibinaba niya yung bag niya at dahan-dahang lumalapit sakin.

Bakit feeling ko, nang-aakit siya? Fuck this mind!

"Wag mong sabihin kay ate, alam kong walang pakielam sakin si mama pero si ate, meron," sabi niya saka umupo sa tabihan ko. Napabuntong-hininga tuloy ako at kinalma ang sarili dahil hindi ko naman dapat iyon maramdamam. Lumingon ako sakanya at matapang na pinagkatitigan ang mga mata niya.

"Stay here please, work for me...Kahit itutor mo si Ben or maghugas ng pinggan. Basta, dito ka lang...I'll pay you and you'll go to school... with me. " Bakit ganon habang sinasabi ko yun? Parang kinakapos ako ng hininga? Napakagat tuloy ako ng labi.

"Sorry pero---" Pinigilan ko siyang magsalita gamit ang kanang hintuturo ko at inilapit sa labi niya. Bakit parang wrong move? Hindi na tuloy ako sa mga mata niya nakatingin kundi sa labi.

"No more buts, sasabihin ko talaga kay ate Rhea kapag umalis ka dito, " sabi ko habang nakatingin parin sa labi niya. Namagnet na ata ako! Fuck! Naloko na!

Pumikit ako ng mga 2 seconds at saka tiningnan siya sa mga mata pero fuck! Bakit nakatingin rin siya sa labi ko?! What does it mean?! Ginagaya niya ba ko!

Down Side Up (GxG Story: Completed)Where stories live. Discover now