Chapter 3: Siblings

3K 75 3
                                    

Leah's P.O.V

"Bes hahaha wag kana mabadtrip samin," natatawang sabi ni Van sakin pati si Karla natatawa.

"Wag nyo nga ko mabes bes nasusura ko senyo Vanessa Mendez lalo kana Karla Villaverde!" bulyaw ko sa mga ito. Actually ayaw ko nga na tinatawag nila kong bes eh pero sila namang dalawa hindi nagtatawagan ng ganon. They are so corny.

"Edi chairman!" sabay na sabi nila at nagtawanan kaya lalo kong nabwisit. Paano ba naman yang si Karla ini-elect ako bilang chairman ng klase kaya sa sura ko si Vanessa ang ininominate ko sa vice at secretary si Karla. Kaya si Karla ang secretary kasi madaming gawa pero gusto naman daw nila yun kasi last year officer din sila mula nong nawala ako. Mga hayop talaga ayoko pa naman maging leader! Ang mas nakakasura binoto nila talaga kami at mas lalo na ako.

Tapos na ngayon ang klase at uwian na. Hindi pumasok si president na lalong ikinainis ko. Ako lang kasi kanina ang walang partner at bukas daw sasabihin yung best na tanong na nasagutan namin. Ishe-share daw sa class. Buti nalang at hindi ngayon dahil siguradong magmumukha lang akong tanga. I hate of being stupid sa harap ng maraming tao.

"Hoy chairman mauna na kami. How about you?" Karla asked. Magkasama kasi sila sa bahay ni Van kasi magpinsan yung dalawa.

"Hmm I'll wait for Ben. Bye, take care bitches!" masungit na paalam ko sa mga ito at natatawang nagpaalam din sila sakin. Bitch!

---

Cheska's P.O.V

After lunch biglang tumawag sakin si tito na nawalan  ng malay si mama at dinala agad sa ospital kaya hindi na ako nakapasok kanina. Alam kong inis na inis ngayon sakin ang bully na yun. Ang kapal ng mukha niyang magpakita pa at mukhang hindi na niya ko natatandaan. Talaga lang ha. Ako lang naman yung binully niya nong grade 3 kaya lumipat ako ng school at nong grade 8 lang ulit ako bumalik sa Briz Academy dahil gusto kong ipamukha sa kanya na nagkamali siya ng binully niya non kaya nagpursige akong makapasok sa Student Council. Nabalitaan ko rin kasi na madami siyang binubully pero nong na-elect ako nong grade 9 ay bigla nalang siyang nawala. Ayoko ng may mabully o makitang nag-aaway sa loob ng campus kaya madami akong pinatupad na rules and regulation at isa na don yun. Subukan lang ulit niyang mambully makakatikim sya sakin. Lagi lang naman niya akong sinasabihan nong grade 3 kami na ang panget ko daw at bungi, nahiya naman ako sa mataba niyang pisngi. Ang inayaw ko lang dahil umabot na sa pagkakataon na sinusuntok niya ako at sinasampal kaya nakiusap ako kay mama at papa na wag na don pumasok. Isa pa, malaki pati ang tuition don at scholar lang ako. Maraming activities na hindi namin afford. Utak lang naman ang puhunan ko at yun ang wala siya. Sinabi ko na saka nalang ulit ako papasok don, sa public nalang muna dahil nandon din yung mga kaibigan ko at hindi ako nagkamali dahil masaya sa public.

Hanggang ngayon hindi parin nagigising si mama at ako ang bantay sa kanya. Si papa kasi nasa ibang bansa, OFW. Si tito naman bibili daw ng makakain namin, kapatid siya ni mama.

Hindi nagtagal ay pumasok na sa kwarto si tito na may dalang isang plastik na naglalaman ng lugaw at dalawang sky flakes. Sinabi sakin ni tito kanina na nadatnan niya si mama na nakalupasay sa sahig at nong dinala sya dito sa ospital ang findings daw ay sobrang pagod at stress. Naglalabada kasi si mama at hindi yun alam ni papa.

"Oh kain kana muna iha," sabi ni tito sabay abot sakin ng lugaw kaya nagpasalamat agad ako. Kumuha ako ng kutsara at baso, doon nilagay ang lugaw dahil walang bowl. Buti nalang bumili si tito dahil nagugutom narin ako. Kokonti nalang din kasi ang pera ko.

Tumingin naman ako kay tito at kita ko sa mukha ang lungkot niya.

"Tito kelan daw po magigising si mama?" basag ko ng katahimikan.

Down Side Up (GxG Story: Completed)Where stories live. Discover now