Chapter 14: Confrontation

1.3K 40 5
                                    

Leah's P.O.V

"Humingi ka ng sorry."

"Ano?! Sorry?!" bulyaw ko sa kanya at binalewala ang bilis ng tibok ng puso ko.

"Kung ayaw mo. Sige madali akong kausap," nakangisi nitong sabi sakin at akmang aalis na.

"Bakit naman ako hihingi ng sorry sayo eh ikaw naman yun!"

"Bakit ba sure na sure kang ako yun? Ako lang ba ang nakakaalam?" naniningkit na mga mga tanong nito sakin.

Sila lang namang dalawa ng ate niya ang nakakaalam.

"Oo pati ate mo!"

"Talaga? Eh yung mga kaibigan mo?"

Fuck! Hindi ko naisip yun kaya nabigla ako. Naisip ko rin si kumag dahil nakapunta narin siya ng bahay. Hindi malabong makita nya yung family picture namin pero kami lang magkakapatid kasama si papa. Bakit kasi pinapasok siya ni Ben!

"See, hindi lang kami ni ate. Huwag kang magbintang," wala nanamang emosyong sabi nito sakin.

Pero imposible na traydorin ako ng mga kaibigan ko. Nagkamali ba akong pinagkatiwalaan sila?

Bigla ko namang naisip yung text.

"Eh bakit may student council room don sa text?" nagtatakang tanong ko.

"Hindi ko rin alam. Malay natin ginagamit niya lang ako."

May point siya pero sino naman ang gagawa non?

"Siguro nag-o-overthink kana. Bago ka kasi kumilos dapat planado at pulido. Hindi yung padalos-dalos ka. Maaari kang mapahamak at maaari ka ring makasakit," seryosong sabi nito.

"S-sorry," wala sa sariling paumanhin ko.

Tama siya hindi dapat ako padalos-dalos. I should think carefully and need evidences.

Bigla naman siyang natawa.

"Kanina please. Ngayon sorry. Hmm," nakangising sabi nito sakin kaya nainis ako.

"Pasalamat ka at nag-iisip ako."

"May utak ka pala."

"Malamang!"

Nakakainis siya! Ang galing niyang mang-asar. Ganito ba talaga siya?

"If I were you, hindi ako magtitiwala basta basta."

"H-hindi naman ako mabilis magtiwala. I-it's j-just---"

"Tara na, bawal akong gabihin," putol nito sakin. Kainis talaga siya!

Nagsimula na siyang maglakad papunta sa parking lot at inunahan ko siya maglakad. Hindi pa siguro nakakaalis sila Ben kasi 4:37 p.m.

"Ate antagal mo. Manonood pa ako eh!" bungad sakin ni Ben na nakaupo sa passenger seat.

Binuksan ko na ang back seat at hinintay si president. Antagal maglakad!

"Ate ba't hindi ka pa pumapasok? Oh hi Ms. President!" bati nito ng makita si president na papalapit samin.

"Hi."

"Bakit kilala mo siya?"

"Everyone knows her!" Tss. Edi wow. Siya na ang famous! Napairap tuloy ako.

"You go first," sabi ko kay president dahil mukhang walang balak pumasok.

Nang makapasok ito ay sumunod narin ako.

"Wow ate Peppa gentlewoman ka pala hahaha," asar sakin ni Ben kaya sinamaan ko ito ng tingin pero tatawatawa lang ang bata.

"Shut up!"

Down Side Up (GxG Story: Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon